"This is a pleasant surprise," sabi ni Owen nang makita si Francis sa may pintuan nito. "Come in." Ngumiti lang ang kaibigan sa kanya bago pumasok ng sala. "I hope Heramarie is not here,". makahulugang wika nito, bago umupo ng sofa. "She's not here. Mukhang mahalaga yata ang sadya mo. Why don't we go to the garden, and drink some beer," suhestiyon ni Owen sa kanya. "Gusto mo bang tawagin ko sina Guzman at Domingo?" Tumayo siya, at napangiwi. "Ah... 'wag na. Ayokong nakainuman sila. Mga pintasero ang mga iyon. Saka sa ibang panahon na. Gusto muna kitang makausap." Napahalakhak na lang si Owen. "Kung makapagsalita ka, parang hindi ka din pintasero ano?" Napakamot lang si Francis sa kanyang sinabi. "Anong gusto mo beer or whiskey?" "Kahit ano. May pulutan ba?" "Wala kaya magluto ka,"

