Maagang nagising si Francis dahil sa isang napakagandang panaginip. Panaginip na kahit alam niyang malabong mangyari ay nagbigay pa din sa kanya ng isang matamis na ngiti. At dahil hindi na siya makatulog ay nagpasiya siyang maglakad-lakad sa kabuuan ng kanyang Isla. Malaki din ang Isla na pag-aari niya. Maliban sa white beach na nakapaligid dito ay may nakatagong kweba at talon ito. Half of the Island ay pinatayuan niya ng private at public beaches. May Ins, restaurant, at cottages din na nakatayo doon. Una niyang pinuntahan ang private restaurant na pinatayo niya. Malapit lang ito sa kanyang resthouse. Napangiti siya nang makita na subrang abala ang kanyang mga tauhan sa nasabing restaurant. Subalit halos napatigil din ang lahat ng staff nang mapansin ang kanyang presensya. "G

