Hindi mapakali si Geordi kaya nagpasya siyang lumabas ng kanyang kwarto para sana magtimpla ng kape. Papunta na siya ng kusina nang mapansin niya si Lilly sa may salas. Napakunot ang kanyang noo nang mapagtanto niyang lumuluha ito habang titig na titig sa hawak nitong celphone. Agad siyang nabahala kaya minabuti niyang lapitan ito at tanungin. "Why are you crying? May nangyari ba?" "I... remember him. I remember everything," tapat na sagot ni Lilly. Hindi man lang siya nito sinulyapan. Basta nanatiling lamang itong nakatingin sa cellphone na hawak. “Now, I understand why can't I seem to forget him.” Napaupo tuloy siya sa may upuan na nakaharap sa dalaga. "You remember who?" tanong niya, kahit na may palagay na siya kung sino ang tinutukoy ng dalaga. “Francis… the man who captu

