Two weeks had passed pero wala pa din Lilly na dumating. Francis was on the verge of giving up and trying to hold on nang tumawag ang kanyang ama sa kanya. "Nasa Spain ka pa rin? Look, Iho, umuwi ka na, Gwenneth needs you here," seryosong sabi ng kanyang ama. "Please, umuwi ka na." Napahilamos siya ng mukha. "Papa, anong nangyari sa kay bunso?" "She's not eating properly. I'm beginning to worry lalo't buntis siya. Bumalik na ang kanyang kabuuang alaala. Saka naaawa ako sa kay Howell. Lagi niya na lang itong sinisigawan. She wouldn't listen to anyone. Sinisisi niya ito sa lahat." Nagpakawala siya ng isang buntong hininga. Ramdam niya ang pangamba at lungkot sa boses ng ama. "Sige, Pa, 'wag na kayong mag-alala. Aayusin ko lang ang gamit ko at uuwi na ako diyan." "Salamat, Anak," sabi n

