Chapter 76

1068 Words

"He's still here. At wala siyang ginawa kundi ang umiyak at uminom," sumbong ni Daphne sa kanyang asawa habang kausap ito sa telepono. "Nanggugulo ba siya diyan?" "Nope. Hindi siya nanggugulo dito. Tahimik lang siyang ko lumuluha habang umiinom." "Hayaan mo lang siyang ilabas niya ang kanyang pighati, Mi Princesa. Maari kasing magpasahanggang ngayon ay inuusig pa din siya ng kanyang budhi." "Naunawaan ko naman iyon. Actually, naaawa ako sa kanya. Ngunit kung tutuusin siya naman ang may kasalanan. Napaka-estupido niya kasi. Hindi na siya natutu." Napailing na lang si Austin bago nagpakawala ng isang buntong hininga. "Unawain mo na lang siya. Be there for him. Kung mayroon man siyang mas higit na kailangan ay ang isang kaibigan." "Ano pa nga ba ang ginagawa ko," wika niya sa asawa. "

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD