Kabanata 27 "Nerves" "Tigilan niyo po ako," I leered at iniwan ang ginagawa sa kusina. Tinalikuran ko siya. "Ate Merla!" tawag ko. Mabilis naman itong lumapit sa akin. "Pakituloy naman po ng ginagawa ko sa kusina." "Nagluto ka na?" "Hindi pa po. Kayo na pong bahala dun." "Sige." "Salamat po." Malalaki ang hakbang ko palabas ng bahay. Didiretso ako sa pathway. Bumagal lang ako nang papunta na ng burol. Ang init at aliwalas ng panahon parang hindi umulan kahapon. Ang taas na kasi ng araw. Mabuti na lang malamig ang hangin. Pagkarating ko sa taas hinihingal pa ako. Huminga ako ng malalim at inikot ang tingin sa paligid. Sana huwag nang isali 'to sa babaguhin o patatayuan ng istraktura. My child is buried here, and I want to keep this spot as it is. I slowly sat down. Hindi ko na

