Kabanata 28 "Rovissa tawagin mo na si Zederick, kakain na tayo," ani Lola habang inaayos ko lamesa para sa hapunan. Tipid akong tumango. Umalis ako ng dining at pumunta sa bandang guest rooms. Hindi pa raw lumalabas ng kuwarto niya si Zede mula kanina, pagkatapos ng lunch. May ginagawa raw yatang tungkol sa trabaho. I don't really know at ayoko ng maki-usyuso pa. Nasa hallway pa lang ako nang lumabas si Lindsey sa silid niya. Magkatapat sila ng kuwarto ni Zede. "Hi!" bati niya. Her eyes scanned me from head to toe. "Hello," sabi ko. "So ano ka rito?" Ang totoo, hindi ko alam. "Manager ng Casa," sagot ko na lang. Tumaas ang kilay niya. "Really? How come you're close to them? May relasyon kayo ni Ziggy?" Umiling ako. Ayoko ng makipag-usap sa kanya, pero hindi ko naman puwedeng talik

