Kabanata 17 “Heart” “You’re holding my towel.” Napasinghap ako. Mabilis ko namang nabitawan ang dulo ng tuwalya. Hindi ko napansin na nakahawak na ako sa tuwalya niya. Nagmamadali akong tumayo kahit medyo masakit ang tuhod ko dahil sa pagtama sa sahig. “Sorry, sorry po.” Lumabas na ako ng bathroom. Tinakbo ko ang distansya mula sa kuwarto hanggang sa sala. Para akong nawala sa sarili ko. Hinawakan ko ang pisngi ko para itong nagaapoy sa init. Nakagat ko na lang ang labi ko, at nagpalakad-lakad hanggang sa marinig ko ang doorbell. Iyong pagkain! Lumapit ako sa pinto. Pinagbuksan ko ang staff at tinanggap ang tray na may lamang pagkain. “Thank you.” Tumango sa akin ang staff ng kitchen. Sinara ko ang pinto. Dinala ko na ang pagkain sa kitchen. Nilagay ko sa island counter ang tray

