Kabanata 14 "Linggo" “Maviel Psyki!” sigaw ko habang sinusuyod ang taniman ng kamatis. Napahawak ako sa baywang ko nang sumungaw ang ulo niya. Hawak-hawak niya ang isang basket. Natatakbo siya palapit sa akin. I almost sighed nang makita ang ayos niya. Puno ng putik ang mga paa niya. Umulan kagabi kaya basa ang lupa at maputik. Nagluluto ako sa kusina kanina dahil para sa mga panauhin ni Ziggy nang sabihin ng mga tauhan na nawawala raw si Mapsy. Pinagtaguan niya na naman malamang. Hindi pa siya kumakain ng breakfast at nakakaligo. “Good morning, Mama,” she said giggling. “Look, I have gathered ripe tomatoes, oh.” Pinakita niya sa akin ang laman ng maliit niyang basket, halos puno na ito. Napailing na lang ako. “Let’s go. Hindi ka pa naliligo nagbilad ka na sa araw.” “Sorry na.” Tin

