Kabanata 14 Binuksan ko ang isang mata ko. Agad akong nasilaw sa sinag ng araw. Hapon na pero mataas pa rin ang sikat ng araw. Mabilis kong tinakpan ang araw ng palad ko. Dahan-dahan akong bumangon. I looked around. Nandito pa rin naman ako. Bumuga ako ng hangin. Sa panaginip ko nasa dalampasigan ako, walking barefoot on the sand. I was wearing a beautiful white dress na iniihip ng hangin. May hawak pa akong palumpon ng mga bulaklak. My dream excites me, I don’t know why. My dream feels vivid like I am really living that moment. Well, halos naman lahat ng mga panaginip ko pakiramdam ko totoo. I feel disappointed na naputol ang panaginip ko. Lagi na lang walang karugtong. Ilang beses ko na itong napanaginipan and the feeling is still the same. Hanggang doon lang talaga sa parteng may nat

