Kabanata 13 "Liwanag" I stilled. "M-My mother..." Anong sabi niya? Binanggit niya ba ang mama ko? Pati si Madam ay natigilan ngunit agad ding nakabawi. Umigting ang kanyang panga at mas tumindi pa ang galit sa kanyang mga mata. "Zede will know about this! He'll realize that I was right all along. Wala kang kuwenta!" Fear consumed me. Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. My heart beat loudly. Zede will hate me... Sa kaisipang 'yun mas lalo akong pinanghinaan. "I never cheated. Mahal ko po si Zede. I love him with all that I am... Hindi ko po magagawang lokohin siya," I said desperately. "A-ako po ang magsasabi sa kanya, but it's not what you think." She shook her head. Wala ng makakapagpabago ng isip niya. She won't listen to me. She never did anyway. Gusto niya ito. She wants

