Kabanata 24 "Family" Monday nang umaga, after the unfinished dinner sa bahay sa mansyon ng mga Patriarca, nangyari na nga ang kinatatakutan ko. Nakatanggap ako ng termination notice mula sa firm. "I am really sorry, Anselah. Magaling ka at masipag kaya lang hindi kita puwedeng panatilihin pa rito. I worked hard for this firm and the least that I want to happen is see it sink. Ma-impluwensya ang mga Patriarca, sa isang pitik lang kaya nilang pabagsakin ang firm," paliwanag sa akin ni Maam Decerie, ang co-owner nitong firm. "Hindi ko alam kung anong gulo ang kinasangkutan mo sa kanila, but better fix it at maluwag kitang tatanggaping muli rito." Malungkot akong ngumiti. Tanggap at naiintindihan ko ang desisyon ni Maam kahit mahirap dahil napamahal na sa akin ang trabaho ko. "Naiintindi

