Chapter 2: Her

1824 Words
She really knows how to follow what we talked about. Cause after class she is already waiting for me outside. I was caught of guard at first pero hindi ko iyon pinahalata sakanya. "You're early." I told her. "Yeah, I skip class what do you expect?" "You what?" Unbelievable. I'm out of words. Ba't sa dirami-rami nang makakapartner ko siya pa? "Oh ba't parang gulat na gulat ka? Umiling ako."No, Hindi lang ako makapaniwala." Ngumisi lang siya sakin at nag lakad na para lumabas ng campus. She walks fast, Hindi niya ba alam yung salitang intay? "Sandali nga pwede?" I'm starting to get pissed here. Buti naman at tumigil siya. "You walk so fast may pinag tataguan kaba?" Nilingon niya ko mag sasalita na sana siya kaso may biglang tumawag sa pangalan niya. Pareho kaming napalingon sa boses na Iyon. Nagmamadali Itong makalapit sakanila. "Ria Babe sorry na." Sabi nang lalaki na ngayon ay nasa harapan na nilang dalawa ni Victoria. "Pwede ba Jake tigil-tigilan moko" Ewan ba niya kung bakit biglang nagbabago ang itsura ng dalaga kapag iyong Jake na ang nag-sasalita. Hindi niya napansing nakatingin na siyang matagal kay Victoria kaya siguro nang mapansin siya nung Jake ay binalingan agad siya nito. "Anung tinitingin-tingin mo?!" Kinabahan siya dahil masama ang tingin na binibigay sa kanya nito. Parang handa siya nitong sapakin anu mang oras. "Uh-sorry," "Jake! Ilang beses ko bang sasabihin sayo? Leave him alone!" Galit na bulyaw ni Victoria dito. Medjo naflatter siya dahil pinagtanggol siya ni Victoria. Pero hindi ito ang oras para sa ganoong bagay kaya't bago pa umabot sa iniisip niya ang lahat ay nag excuse na siya. He calls his driver para sunduin na siya. Pag may pagkakataon ay nililingon niya ang dalaga. Minsan ay nag tatama ang mata nila pero siya ang unang nag-iiwas. Hindi niya alam kung bakit hindi niya kayang tapatan ang mga tingin nito sa kanya. "Umalis kana Jake." Narinig niyang pagtataboy dito ni Victoria. Ngunit ayaw paring umalis nito. "No!" Kahit medjo malayo na siya ay rinig parin niya ang pinag-uusapan ng dalawa. Bumuntong hininga siya at nag simulang humakbang pabalik. "Excuse me? Uh-Victoria kung hindi ka naman pwede ngayon pwede naman natin gawin nalang sa ibang araw." Nagulat nalang siya ng pagharap sa kanya ng lalaki ay hinila agad nito ang kanyang kwelyo. Nanlaki ang mata dahil nanlilisik ang mga mata nitong naka titig sakanya. "S-sandali-" madali niyang sabi. Hindi na niya naituloy ang dapat sanay sasabihin dahil nag salita ulit ito. "Anung gagawin niyo? Saan mo siya dadalhin? .. At anong sa ibang araw ha?!" Sunod-sunod na tanong nito sa kanya. "Teka-E-easy kalang wala akong balak na masama," he tried to explain. Hindi niya malaman ang gagawin para pakalmahin ito, Nasasakal na siya sa mahigpit na hawak nito sa kanyang kwelyo. "Jake! Ano ba! Bitiwan mo nga si Nathan!" Nawala ang pagkakahawak sakin kaya't nakahinga nako ng maayos. Biglang hinawakan ni Victoria ang kamay ko.. Mahigpit ang kapit nito na animo'y wala ng balak na bitiwan yon. Nakatingin lang ako sa kamay namin na mag kahawak. Hindi ko alam, hindi ko rin maintindihan. There is something I am feeling right now and I can't understand. Ngayon lang may nag lakas nang loob na lumapit at hawakan ako. Everything is first Nathan. I shake my head. "I'm not done to you!" rinig kong banta nito sakin pero hindi ko iyon pinansin. Nang makalayo na kami ay tsaka lang ako tinanong ni Victoria kung okay lang ba ako pero wala duon ang atensyon ko. "Uh-yung kamay ko," "-sorry I was carried away." Bumuntong hininga ito, "Pasencia kana kay Jake ha?" Hindi ako sumagot, I was still pissed about everything. Buti nalang at dumating na ang sundo ko ng mga oras na iyon ayoko narin mag tagal pa sa lugar na 'to. Pag katapos ng mga nangyari? pano pako papasok bukas? ... "Wow! you really are rich," Umiling ako at hindi nag komento sa kanyang sinabi. "Alam kong mayaman ka but I didn't thought you we're this rich." Duon na siya napalingon kay Victoria tinignan niya ito nang may kunot ang noo. "What?" sabi nito sakin nang makita niyang nakatingin ako. "You know I'm rich?" "Ah-eh," Hindi nalang niya ito pinansin at nanuna nang maglakad papasok sa loob. "Nanay Ren, make something for us paki dala nalang po sa taas." Nilingon ko siya at di nako nag taka kumbakit parang nagulat ito. "Wag mo 'kong tignan na parang may gagawin akong masama sa'yo, My study room is there at walang makaka istorbo satin don." Pinag pasalamat nalang niya na hindi ito nag salita pa tumango lang ito at sumunod na sa kanya. Habang umaakyat kami sa hagdan, napansin kong hindi mawala sa mata niya ang pag hanga. "Ano ngayon kalang naka kita ng big paintings and chandelier?" Hindi niya mapigilang maging sarkastiko. Hindi parin kasi humuhupa iyong pag kainis niya sa nangyari kanina. Never in his life na may gumanon sa kanya at nag simula lang iyon dahil naging mag ka partner sila. Nawala ang ngiti at ningning sa mata nito "Nakakita naman ako pero hindi ko lang mapigilan na magandahan sa bahay niyo," Bigla ay parang gusto niyang mag sorry dahil mukhang na offend niya ito pero nag bago rin ang isip niya at nag patuloy na lamang sa pag lalakad. "Kwarto mo lang 'to? ang laki ha." "Ayoko naman talaga ng ganto kalaking kwarto mapilit lang si Mommy." "Parang buong bahay na namin 'to eh." Narinig niyang bumubulong-bulong ito pero wala siyang naintindihan. "Ha? may sinasabi ka?" "Ah, Wala-wala." Binuksan na niya ang pangalawang pinto sa kwarto tumambad duon ang kanyang sariling study room. "May sarili kang library?" Hindi makapaniwalang tanong nito sakanya. Nilingon niya kung saan Ito nakatingin. Nakita pala nito Iyong mga collection niya. "It's not but I'm close to that. Mahilig kasi kong mangulekta ng mga books like novels. Una, parang hobby lang hanggang sa na realize ko na dumami na kaya nag pagawa nako ng book shelves." Tumango-tango ito bago nag salita. "Nabasa mo na 'to lahat?" Tumango siya bago buksan ang kanyang computer. Hinayaan niya itong tignan ang mga collection niya. "So Pano natin-" Automatikong napa tigil siya. Sobrang lapit nila sa isa't-isa. Nakalapit napala ito sa kanya nang hindi niya namamalayan. His heartbeat is slowly changing into something he can't understand.. Something that he only feels when this girl is arround. Alam niyang matalino siya pero pag dating sa bagay na iyon ay hindi niya alam. Duon lang niya ito napagmasdan ng matagal. Aminado siyang maganda ito pero iba pala ang itsura nito kapag malapitan na. Mula sa mata at ilong ay napag masdan na niya. Katulad niya, hindi rin ito umiiwas o gumagalaw manlang. Nang mabaling ang mga mata niya sa labi nito ay hindi niya maiwasang mapalunok tila nanuyot ang kanyang lalamunan. Pati ito ay ngayon lang rin niya naramdaman. Why do I feel the urge to kiss her? Well.. her dry lips are enough of an invitation. His mind said. Natauhan lamang siya nang mayroong marahang kumakatok sa pintuan at tinatawag ang pangalan niya. "Ah, I think that's Nanay Ren. You can sit on the couch over there or kung may idea ka nang gagawin you can use the computer." Pagkasabi niya nuon ay iniwan muna niya ang dalaga. Kahit na sobra ang kaba niya nang mga oras na iyon ay hindi niya yon pinahalata. Pagkabukas niya nang pinto ay isang matandang may kakaibang tingin at ngiti ang nabungaran niya. "Eto na po iyong meryenda ninyo Sir Nathan," Pasimple pa itong sumisilip sa loob na para bang inaalam kung may ginagawa ba silang kababalaghan. "Nanay Ren, Nathan nalang po at wag niyo po akong tignan ng ganyan." "Eh kasi señorito ngayon lang ho kayo nag dala nang bisita dito at babae pa!" Masayang sabi nito na abot hanggang tenga ang mga ngiting binibigay sa kanya. Umiling nalamang siya at kinuha ang tray dito. "Si Nanay Ren talaga. Binibigyan niyo naman ho' nang malisya iyong pag punta niya rito. Kaya ayokong may pinapapunta rito dahil kung ano-ano yang iniisip niyo." "Naku' Ikaw talagang bata ka wag ka mag-alala atin-atin lang 'to. Hindi ko sasabihing pinapunta mo rito ang nobya mo." Pag tutudyo nito sa kanya. Kahit hindi totoo ang sinasabi nito ay hindi niya maiwasang mamula. Bigla tuloy pumasok sa Isipan niya iyong bagay na yon. Yeah, What If she's your girlfriend.. Agad siyang umiling at inismiran ang matanda. Bakit ba siya nag-iisip nang mga ganoong bagay? "Hindi ko po nobya si Victoria." Natatawa lamang ang ito sa inakto niya. "Osha bumalik kana roon dahil hindi magandang pinag iintay mo ang dalaga. Tignan mo at nakatingin na siya rito, dalian mo at gawin niyo na ang dapat ninyong gawin." Bahagyang tinulak siya nito na hindi niya ikinapaniwala. Napailing siyang muli. Napalakas siguro ang pagkaka sabi niya sa pangalan nito kaya't napalingon ito sakanila. "Sorry Uh-si Nanay Ren kasi eh. Meryenda ka muna." Naka ngiti lamang ito sa kanya. Hindi na lamang niya ito pinansin dahil sigurado namang narinig nito kung ano man ang pinag-usapan nila ni Nanay Rennilia. Inubos muna niya ang kanyang juice bago mag salita at humarap siya kay Victoria. "Okay First, Hindi naman tayo agad-agad makaka isip ng topic kaya sa ngayon, pag-iisipan muna natin 'yung mga common na pinag-uusapan or problems anything that's interesting duon tayo mag babase." Tumango ito at nag salita. "Okay bago iyon ano 'yung format?" Siya naman ang tumango bago sumagot. "Syempre Introduction muna ano ba iyong topic? tungkol saan ba, something like that basta ako nang bahala. Madali nalang naman na iyon pag naka-isip na tayo ng topic naten. "Okay, sa ngayon wala pa akong maisip na idea eh pero bukas ta-try ko mag research. Ipapaalam ko agad sa'yo kung may naisip nako." "Sige, Basta ang importante alam mo ang ginagawa natin," "Yup." Tumingin ito sa orasan. "Uh I gotta go, bukas nalang ulit same time and place?" Tumango ako. Tumayo na si Victoria at isinukbit ang bag. "Paki sabi nalang na kay Nanay Ren mo na salamat sa meryenda. Nagustuhan ko," Nakangiti nitong sabi. "You're welcome." He said back with a smile. At bumaba na sila. "My driver will escort you Victoria." Napahinto ito sa pag lalakad dahil sa sinabi niya. "Ha? Naku huwag na Nathan nakakahiya ano kasi-" "I insist, I already said It. They can't say no." Kumunot ang noo nito. "Wag na talaga Nathan," She said your name twice.. "He's waiting." Bumaba ang kanyang driver na si Karl. "Sir." Nag nodd lang siya at humarap ulit kay Victoria. "This is Karl, Siya nang bahala sayo." I intruduce them. "This way Ma'am." Karl said to Victoria. Tinignan lang niya ito at ngumiti ng bahagya. Hindi siya umalis sa kinatatayuan niya hangga't hindi nawawala sa paningin niya ang kotche. Nang masiguro niyang nakalayo na ang mga ito ay duon lamang niya napag pasiyahan pumasok sa loob at dumiretcho sa kanyang kwarto. Pagkasara niya ng Pinto ay napasandal siya roon at napapikit. "Victoria.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD