Chapter 3: Via

1867 Words
"Thanks Karl." "Anything Sir," I just nod to him and walk inside my school. I was walking down the hallway when I saw her sitting again at my favorite spot. Is she always there? I thought I was the only one who notice that place. Naglakad ako palapit sa kanya. "Hindi ko alam na maaga ka rin pala pumapasok." Ngumiti lang siya pero hindi nag salita. That's odd. "May iniintay ka?" I asked again. Nilingon niya rin ako sawakas pero imblis na sagutin niya ang tanong ko ay tanong rin ang isinagot niya sa kin. "Hindi ko alam na madaldal ka pala." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Hindi ako madaldal! I was just asking out of curiousity! "I'm not." I tried to defend my self, I'm so stupid. "Eto lang kasi yung lugar na alam kong walang gugulo sakin pag gusto kong mapag-isa, But you came." I was still standing right there. Tahimik kasi... Dito rin ako pumupunta kapag gusto kong mag basa nakakatamad din kasi minsan sa library. It's peaceful under this old tree. "Ayaw mo umupo?" pag tatanong niya sa kin. "Uh-no I'll just leave you para makapag-isa kana rin, mukhang malalim kasi yung iniisip mo." "So you don't like my company?" I was confused that's not what I meant. "Hindi naman sa 'ganon Victoria." I tried to reason out. "Via." "Ha?" Naka kunot noo kong tanong sa kanya. "Call me Via," she correct me. I still have ten minutes before bell so I guess It's okay, I'll just leave after five minutes so I won't be late. I adjust my backpack and sit beside her. "So.. kanina kapa dito?" tanong ko ulit sa kanya. "Medjo?" tumango-tango ito sa kanya. "Ba't ang laki ng bag mo?" "I always bring our books plus the work books." "Hindi naman 'yun laging ginagamit dapat Iniiwan mo rin yung iba." "Sanay nako." I don't need to explain right? Humarap to sakin at tumitig. mabilis lang yon at nag iwas ulit ito ng tingin. Na curious ako kaya't ako naman ang tumingin dito. Napansin niyang wala itong kahit na anong dala. Hindi siya papasok? "Hindi ka nanaman papasok no?" I can't help but to ask. "Pano mo alam?" "Wala ka kasing dala na kahit na ano. It's obvious," Ngumiti ito sakanya at lumingon. "Wala sakin yung gamit ko. Asa mga kaibigan-uh mga friends ng ex ko." He just nod. Hindi ko na alam anong sasabihin ko. Tinignan niya ang oras three minutes nalang bago mag simula ang first class! Nanlaki ang mata niya, Napasarap ata ang kwentuhan nila kaya hindi niya napansin ang oras. Agad niyang sinuot ang backpack at tumayo. "Aalis kana?" "Oo. Malalate na kasi ako," Ngumiti ito sa kanya. "If you change your mind sana pumasok ka rin." Kakatapos lang ng break time at ngayon ay math subject na nila. He loves math dahil challenging iyon para sa kanya. Kapag hindi niya maintindihan o ma solve ang isang problem ay dun siya mas ginaganahan sagutan iyon. Iniintindi niya itong mabuti para kapag mali ay uulitin niya lamang iyon sa umpisa. Matyaga siya kaya namaintain niya ang kanyang mataas na grades hanggang pag graduate. He was busy solving the math problems when someone who's very familiar to him enters the room. Katulad parin ng dati, tuloy tuloy lang ito sa pag pasok. Mabait ang kanilang Math teacher kaya't hinayaan lang nito si Victoria at sinabing masaya itong makita na pumasok siya sa kanyang subject. Siguro dahil duon kaya madali niyang naiintindihan ang kanilang lesson. Lihim siyang napa ngiti. Masaya rin siyang makita ito kahit two subject nalang ay uwian na nila. Nasagutan na niya ang last question kaya handa na siyang ipasa ito. Tumayo na siya at ibinigay ang kanyang papel. Bahagya siyang nagulat dahil mayroon ring nag pasa kasabay niya and it was Victoria. Walang emosyon nitong Inabot ang papel sa kanilang teacher. Malugod namang tinanggap iyon ni teacher Grace. Magaan ang kanyang loob na bumalik sa kanyang pwest. Lihim siyang napangiti at napailing. .... "Wag niyong kalimutan ang assignment para bukas, I'll check it. Same rules kapag walang assignment lalabas, nag kakaintindihan ba?" "Yes ma'aam," Sagot ng mga kaklase niya. "Iyon lang see you again tomorrow class, Goodbye." Lumabas na siya nang kanilang room, aalis na sana siya pero naalala niyang may usapan sila kaya nag Intay muna siya sa labas. Nagsisilabasan na ang mga classmate niya at wala parin Ito. Asan naba Iyon? Nagtaka siya dahil Nakaalis na lahat ng kanyang kaklase at wala paring Victoria ang lumalabas. He decided to go back inside and check if she's still there. Naabutan niya itong nakatayo at palabas na. "I was waiting for you outside, ang tagal mo kasi lumabas akala ko tuloy umuwi kana." "Sorry, hindi kasi ko lumalabas pag madami pang tao kaya pinauna ko muna sila." "So let's go?" Pag aya niya dito. Ngumiti lang ito ng bahagya at nanuna ng maglakad sa kanya. Sabay silang naglakad palabas ni Victoria, katulad nila madami ring istudyante ang lumalabas ng mga oras na iyon. "Tatawagan ko lang si Karl para sunduin tayo," Nag excuse muna siya rito. Ida-dial na sana niya ang numero pero napansin niyang may papalapit sa kanya. This is not good. Binulsa na agad niya ang kanyang cellphone at humarap ay Victoria. "Ano natawagan muna ba?" Napansin siguro nito si Jake na papalapit na sa kanila. Masama ang tingin nito at alam na niya kung ano ang susunod na mang yayare. Akmang haharangan sila nito pero mabilis siyang hinawakan ni Victoria at hinila para tumakbo, Hindi na siya lumingon pa para tignan si Jake. Hingal na hingal siya dahil ngayon nalang ulit siya tumakbo ng ganoon kabilis. Iba pala talaga ang feeling kapag alam mong may humahabol sayo. Nakasandal siya sa may pader at ito naman ay nakaharap. Kumabog ang kanyang puso sa pwesto nila dahil sobrang lapit nila sa isa't isa. Kahit mapulusyon ang kalsada ay naamoy parin niya ang pabango nito. Tumigil ang mundo niya nang humarap ito sa kanya. Nagkatitigan sila na animo nag susukatan kung hanggang saan.. pero mabilis rin itong umiwas palayo. "Mukhang wala na sila pwede mo nang tawagan yong driver mo." I snap back to reality. Tumango nalang ako at patay malisyang tinawagan si Karl. "Sandali, Hindi ko alam saang lugar 'to." "Akin na." Inabot niya rito ang kanyang cellphone at hinayaan itong kumausap kay Karl. Hindi siya nag sasalita sa buong biyahe nila hanggang sa makarating sila sa bahay niya. Katulad niya ay tahimik rin si Victoria at sumusunod lang sa kanya. Kahit nakakaloko at kakaiba ang tingin ni nanay Ren samin ay hindi niya 'yon pinansin at nagpahanda na siya ng kanilang meryenda. Umakyat na sila sa taas, deretcho sa kanyang study room para masimulan na ang kanilang Project. Pag ka lapag niya ng kanyang bag ay nag salita ito. "Uh-wala padin kasi kong maisip na topic kaya-" Hindi niya inintindi ang sinasabi nito kaya pinutol niya iyon. "That guy is a war freak." Bahagyang tumawa ito pero siya ay seryoso lamang. "You're boyfriend is crazy." Naging seryoso ang aura nito pagkasabi niya non. "He's not my boyfriend anymore." May diin nitong sabi sa kanya. Nagulat man siya pero hindi niya iyon pinansin "Well.. Sana naman kahit papano ipaalam mo na wala akong balak na agawin ka sa kanya." Natigilan ito dahil sa sinabi niya. "I already did that okay? Kinausap ko na siya but he doesn't listen. Pinaintindi ko na sa kanya 'yon Nathan but he-ewan ko." "Uh try to fix things? baka sakaling yun maintindihan niya." "No, Tapos na kami at ayoko na. That time I saw him kissing Ashly, I know I'm done with his game at wala na kaming dapat pang pag-usapan." Siya naman ang napatigil. It was a big revelation nag open ito sa kanya at hindi niya iyon inaasahan. And he knows that girl. "Si Ashly?" Bulas-las niya. "The one and only" "Queen Bee," Sabay nilang sabi na bahagya nilang ikinatawang dalawa. Hindi niya maintindihan, kanina lang ang seryoso ng usapan nila tas ngayon tumatawa sila dahil lang duon. Napahinto sila sa pag tawa dahil narinig niya ang marahang pagkatok sa pinto niya nag excuse muna siya rito at pinag binuksan ang Yaya niyang si Nanay Ren. "Yung mga tingin niyo talaga Nanay Ren." "Nako Señorito wala na nga akong sinasabi," Umiling nalang siya bago isinara ang pinto. bumalik siya sa couch at pinatong ang pagkain sa lamesa, natanaw niya si Victoria sa mga helera ng mga Family Pictures, na malapit sa kanyang computer. Nakangiti Ito sa kanya. "Ang saya-saya mo naman dito," Hawak nito yung picture nung ten palang siya. "Jan lang yan." "Oh? ang seryoso mo naman bakit di kaba masaya? mas lalo kang gugwapo kapag ganito lagi yung mga ngiti mo." Napailing siya sa sinabi nito na bahagya niyang Ikina ngiti. Alam niya binobola lang siya nito. "Matanung ko nga pala asan yung mga Parents mo kasi kung di ko pa nakita 'tong picture, hindi ko sila makikita." Umupo na ito sa tabi niya "They're busy at work and sometimes they travell, Business trip." Tumango-tango lang ito at inabot niya ang pagkain nila. Siya naman ang nagtanong rito. "Ikaw anong pinag kakaabalahan ng family mo?" Bahagyang nalungkot ito pero sinagot din naman siya. "Si Papa asa abroad, Siya yung nag papaaral sakin, si Mama asa bahay binabantayan yung mga kapatid ko and at the same time nag babantay ng tindahan namin." "Hindi mo ba nami miss Papa mo?" Pag tatanong ko sakanya. Uminom muna ito ng Juice bago mag salita. "Syempre nami miss ko. matagal nading hindi siya nakakauwi eh," Hindi na siya nag tanong pa dito. Bahagyang tumahimik ang paligid pero nag salitang muli si Victoria. "Ikaw ba hindi mo sila namimiss?" Napatigil siya sa pag kagat ng kinakain niya. duon lang niya narealize na matagal na niyang hindi nakikita ang mga magulang niya. Kapag kasi uuwi siya ay wala ang mga ito pag gising naman niya nakaalis na ang mga parents niya. "Namimiss din syempre." Lumingon siya rito bago magsalita. "Alam mo maswerte ka nga kasi Kahit papano anjan Mama mo ako kasi wala. Si Nanay Ren lang andito para sakin. Minsan nga naguguilty ako kasi Imblis na mga anak niya yung Inaalagaan niya eh ako itong pinag-uubusan niya ng oras." "Wag kang ganyan. Mas maswerte kapa 'rin kasi wala kayong poproblemahin pa di tulad namin kung di pa mag iibang bansa si papa san kami pupulutin? Baka may pinag hahandaan lang mga magulang mo kaya sila nag papaka sub-sob sa trabaho," Hindi siya nakapag salita sa sinabi nito. There is something good about her that she keeps on hi dding. Hindi niya alam para bang gusto niyang alamin kung ano ba iyon. "Alam kona!" Muntik na siyang magulat. bigla-bigla nalang kasi itong nag sasalita. "Alam ang ano?" Nagtatakang tanong niya rito. "Yung magiging topic natin." "Tungkol naman saan?" "Satin, sa family natin. About sa family relationhip in this generation oh diba? yung magiging base natin eh yung problem natin, para alam natin kung pano i-eexplain." Hindi niya mapigilang sumang-ayon rito, may point siya. Hindi nga kasi na didiscuss yung mga bagay na yon dahil hindi nabibigyan ng pansin ng iba. She never fails to amaze me.. Kakaiba ka talaga Victoria.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD