HALSEY POV
"Ahhhh ikaw kasi eh! Ginulat mo ako, unggoy ka talaga! So ano ha? Kamusta ka na? Nakatulog ka ba ng mahimbing kagabi ha? Ako kasi hindi dahil iniisip ko kung paano kaya yung boyfriend ko na tagilid sa exam niya!"
May halong pangsesermon ang boses ko dahil nalaman ko kay Ninong na bulakbol at pasaway si Lloyd sa klase.
"Babe, ikaw naman, kaynino mo ba nakuha ang fake news na ito ha? Good boy ako sa klase namin. Sadyang marami lang mga taong inggitero dito sa loob ng campus. Wag na lang tayo magtuon ng atensyon sa mga ganyang tao. Kung ihaharap mo nga sa akin yan, baka basagin ko pa ang mukha niya eh!"
Namumula kaagad ang boyfriend ko sa galit. Baka kapag sinabi ko lang sa kanya na mismomg bibig na ng professor niya ito nanggaling, baka manginig na siya sa takot.
"Sana lang ay tama ang mga sinasabi mo. Tandaan mo lang ito ha? Need mong ipasa ang exam mo kasi ito yung magiging susi para maka graduate ka. Palagi mo pa namam sinasabi sa akin na mataas ang expectation ng papa mo so do not disappoint him. Ako kasi, kampante na ako na makaka pasa ako. Mas iniintindi ko pa yung sa volley ball practice namin mamaya eh."
"Speaking of that pala, baka pwede mong sabihan si Sir Dave na wag kayo masyadong pauwiin ng gabi dahil nag aalala lang ako sayo. Mga babae kayo sa team so paano kung mayroong mapahamak sa inyo kahit na isa? Siya ang mananagot nito."
Gusto ko sanang kurutin ulit sa pisngi ang boyfriend ko ngunit nandito kami sa loob ng campus. Bawal magpa sweet dahil sa dean ang bagsak namin for sure.
"Lloyd relax ka lang okay? You are worrying about us. We are all adults na rin at last na practice na namin sa school dahil graduating na din kami. For the sake of our school, lalaban kami para sa four win streak. This is one of my dreams, gusto ko ulit na maging MVP sa championship."
"Okay, supported kita hanggang sa dulo ng competition na ito. Isa ako sa mga papalakpak kapag lumabas ka na."
"See? Suportahan lang natin ang isa't isa para sa mga pangarap natin. Sige na, pumasok ka na sa classroom mo. Balitaan mo na lang ako kapag nakapasa ka na. And then mamaya, meet me here ulit tapos once na nakapasa ka na, ako yung mang lilibre sayo. Kahit na anong gusto mong pagkain, bibilhin ko."
Ang tipid ng ngisi niya.
"Paano pala kung bumagsak ako? Eh di hindi na pala ako magpapakita sayo dito mamaya ha?" Tanong ng boyfriend kong nawawalan na ng lakas ng loob.
"Gusto mo bang tuktukan kita jan ha? Dont be so negative, maipapasa mo ang exam mo. If you did not, nako, wag ka nang pupunta rito!"
Pananakot ko lang naman ito sa kanya. Pumasok na siya sa loob ng klase at ako rin, medyo boring lang ang subject namin kaya panay ang hikab ko sa loob. Mahina kasi ako sa mga analyzation kaya madalas ay tinutulugan ko lang kapag ganitong exam.
12:30 pm ng matapos na ang klase namin. Excited ako na ma meet ulit ang boyfriend ko. 12 ang out niya at kapag si Ninong ang professor nila, minsan ay mayroon pang early out.
I am expecting na ma meet ko dito si Lloyd but iba ang mga students na nakita ko. Nakakapag taka naman, so habang nakatayo ako ay tinatawagan ko siya. I am ignored other chats dahil gusto ko munang makita ang boyfriend ko.
He is not picking up his phone. Tumagal pa ako ng 30 minutes until dumating si Jenny at ang dalawa pang mga ka volley ball team namin.
"Ano ha? Wala ka bang balak na sagutin ang chats namin? Kanina ka pa namin sinusubukan na ichat eh!" Pagalit na sabi ni Jenny.
"Sorry, inaabangan ko lang kasi ang boyfriend ko. Kanina pa kasi siya hindi sumasagot sa tawag ko. Ang usapan kasi naming dalawa ay magkikita kami dito eh."
I am really worried na baka nga tinotoo ni Lloyd ang sinabi ko kanina. What if nalaman niyang bagsak siya sa exam at dinamdam ito?
"Bes, we see Lloyd kanina pag out namin. Tipid lang yung ngiti niya, halatang ayaw mamansin. Tapos may hawal pa siyang test paper sa kamay niya," sambit ni Danica.
"Malamang umuwi na yun kasi palabas siya ng campus natin," dugtong Jane.
Pauwi ng malungkot? Para akong dinaganan ng maraming libro sa puso ko. It just only means na totoo ngang bumagsak ang boyfriend ko sa subject ni Ninong.
"Tara na, chikahin mo na lang ang boyfriend mo sa exam niya tomorrow. Ite treat daw tayo ni Danica ng lunch para mayroon tayong lakas nito mamaya sa practice natin."
"Sorry Jenny, I will say no muna this time. Mayroon lang akong pupuntahan ha?" I said.
When my boyfriend is upset, gusto niya ng space so sa ibang araw ko na lang siyang kakausapin. Pero kung si Ninong ang kakausapin ko ulit, then baka pwede ko ulit subukan na kausapin siya.
Umalis na ako sa harapan nila. Pumunta ako ng faculty, sakto na papalabas si Ninong Dave kasama ang isa pang professor.
He smiled at me at ganun din ako. He stopped in front of me at wala nang iba pang tumatakbo sa utak ko kung hindi iisang tanong lang.
"Baka po pwedeng mag retake si Lloyd ng exam sir? Please, ayaw ko lang po na ma depress siya dahil ine expect ng papa niya na ga graduate siya this year," nag susumamo kong saad sa kanya.
"Sorry but I dont give second chance sa isang student. Lloyd is not the only one who failed in my exam, may iilan din na bumagsak. Kapag pinagbigyan ko siya, it will be unfair sa iba pang mga students. Let them face the consequences of not studying hard."
Ang sungit ng tono ng pananalita ni Ninong. May mga taong nakatingin na sa amin, I even saw Jenny sa dulo ng mga mata ko. Dahil sa kahihiyan na dinanas ko, umalis na ako at sa sobrang lutang ko ay pumasok na lang ako sa kanyang sasakyan sa parking lot.