bc

Babysitting The Billionaire's Triplets

book_age18+
60
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
powerful
mafia
comedy
single daddy
office/work place
secrets
multiple personality
servant
like
intro-logo
Blurb

Gusto lang naman ni Tres Eunice Lazi na mag-trabaho para may pambayad sa kanilang isinangla lupa sa kanilang probinsya kaya naisipan niyang lumuwas sa syudad at maghanap ng trabaho para masolba ang problema nito. Naisipan niyang mamasukan bilang tiga-bantay ng mga bata hanggang sa hindi niya naman akalain na unti-unti siyang mahuhulog sa ama ng mga batang binatabantayan niya.

Paano kung unti-unti niya ring mahalungkat ang katotohanan na matagak na niyang gustong malaman ang tungkol sa nangyari ng kanyang yumaong kapatid?

Mananatili pa ba ang kanyang pag-ibig na nararamdaman kay Damon Santo Stefano kung malalaman niyang may kinalaman ito sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na kapatid?

chap-preview
Free preview
Prologue
Nakangiting tumingin si Axciel sa ama habang buhat-buhat nila ang baboy para katayin mamaya. Sigurado naman akong iiyak at iiyak ito mamaya. "Daddy! I already have a pet!" Pagmamalaki ni Avyx sa hawak-hawak niya ngayon. "Me too!" "Me three!" Sabay-sabay nilang binuhat ang baboy at inilapit sa ama nila dahilan natigilan ang ama nito. Nanlaki naman ang mga mata nitong nakatingin sa anak. "What the—don't come near me! What the heck, Axciel! I said don't you dare come near me! Let go of that pig!" Sigaw nito sa tatlo niyang anak at dali-daling tumakbo papunta sa 'kin sa likod para mag-tago. Agad namang nag-sitawanan ang mga anak niya. Halos mapunit na ang damit ko dahil sa higpit na pagka-kahawak ng ama nila sa t-shirt ko. Hindi ko akalain na takot pala ang ama nila sa mga baboy. Tinignan ko naman ang tatlo na patawa-tawa pa ito. Nakita ko si Sebastian na kinuha ang isang biik at inilapit iyon ni Axciel kaya natawa ito. "Hoy mga dawending tikbalang 'wag niyong takutin ang ama niyo," saway ko sa tatlo agad naman itong sumimangot at binaba ang baboy na hawak nila. Kusang lumapit ang tatlong baboy papalit sa gawi namin kaya ang nag-tago sa likod ko ay hindi na mapakali. "s**t! s**t! Don't let them come near me!" Utos nito sa 'kin. Nakita ko naman napanguso si Sebastian. "Daddy, 'di naman ito nangangagat," singit ni Sebastian. Tinignan ko naman si Damon. Ang mata nito ay puro pagmamakaawa para ilayo ang mga baboy sa kanya. "Sabihin mo na please." Nakangising sabi ko. Sumama naman kaagad ang mukha niya na tumingin sa 'kin. "No! Are you f*****g kiddin—" "Di, bahala ka." Putol ko kaagad dito. Aalis na sana ako pera agad niya namang hinawakan ang damit ko para makalapit sa kanya at ginawa pa talaga akong panangga sa mga baboy na kaharap ko ngayon. "P-please." Narinig ko pa itong pumiyok kaya hindi ko mapigilang ningisian siya ng mapang-asar. "Sge." Agad ko namang tinignan ang tatlo. "Hoy kayong apat dawending tikbalang kunin nyo si Peppa, George at Chloé, don natin sila papakainin tapos mamaya tayo na rin ang kakain sa kanila mamaya." Napanguso naman ang apat. "We don't eat our pet's Mommy," sabay himas ni Ezriel sa baboy na si George. Agad namang tumango ang dalawang kapatid nito bilang pagsang ayon. Sasagot na sana ako kaso bigla na lang sumigaw si Ching na tumakbo papalapit sa 'min at kasama niya rin si Yokyok, As-as at si Pareng Loloy. Nakita ko pang natigilan si Axciel habang nakatingin kay Ching na ngayon ay nakataas ang kilay habang tinitignan ang baboy na hawak ni Axciel. Mas mataas kasi kaunti si Ching kaysa kay Axciel. "Hoy, Axciel! Kayo din!" sabay turo nito sa tatlo, "...kunin na namin ang mga iyan dahil saksakin na namin 'yan sa leeg para gawing litson!" may halong pananakot na tono nito kaso ang boses niya ay parang naipit na daga. Nanlaki naman ang mga mata ng tatlo dahil sa sinabi ni Ching. Rumehistro naman kaagad ang takot sa mukha ng tatlo habang si Sebastian ay nakangiting tumango-tango na para bang excited letsonin ang baboy. "No!" Sabay na sabi nito. Agad namang sumama ang mukha nito. "Anong no? Noknokin ko kaya 'yang pagmumukha niyo, eh?! Kailangan na namin 'yan dahil apat na oras pa 'yan bago maluto!" Sigaw nito sa tatlo. "Ching p-pwede ba nama— " "Hindi pwede." Putol nito kay Avyx, ang pinakamabait sa tatlo. Matapang namang lumapit at hinarap ni Axciel–ang pinaka-matapang sa tatlo–si Ching habang iritado ang mukha nito. "This is our pet's not foods!" Sigaw ni Axciel pero agad naman lumapit si Yokyok at As-as kay Axciel para protektahan si Ching. "Hoy spoiled na bata! Wag mong sigawan si Ching!" sigaw ni As-as kay Axciel. Galit namang humarang si Azriel–ang pinakama-initing ulo sa tatlo–kay Axciel at hinarap si As as at Yokyok. "Ano?! Suntukan na lang, oh!" sigaw nito kaya hindi ko mapigilang mapasapo sa noo. Binaba pa nito ang baboy na hawak niya at aakmang huhubadin sana ang t-shirt para makipag suntukan. Pinigilan naman ito kaagad ni Avyx. "Sige ba!" "Baka dudugo iyang utak mo eh!" Singal ni As-as kay Azriel. "I don't care!" "Puwet mong kerker!" Dinugtungan naman kaagad ito ni Ching kaya pinigilan kung matawa sa kanila habang nagtatalo sa isa’t-isa. Si Ching lang ang babae sa kanila pero kung maka-asta daig pa ang Agila kung maka-sigaw at tigreng nakikipag-away. "Tama na 'yan." Awat ko sa kanila. Agad kung binalingan ng tingin si Pareng Loloy. "Pareng Loy, pwede bang iyong sayo na lang baboy ang iihawin natin ngayon? Baka kasi umiyak ang mga 'to, eh." Tukoy ko sa tatlo kaya agad naman itong tumango at pumayag. Nagpaalam na itong umalis na. Nakita ko pang inirapan muna ni Ching si Axciel bago umalis tsaka sumunod kasama si Pareng Loloy. Binalingan ko ng tingin ang lalaking nakatago pa rin sa likod ko at tinaasan ng kilay. Ni hindi man lang inawat ang mga anak niya? Nakatingin lang ito sa mga bata na para bang gustong-gusto nakikitang nakipag-away. Tinignan ko naman ito ng masama. "Ikaw, sumunod ka kay Pareng Loloy, tulungan mo sila Pareng Loloy don!" sumama naman ang mukha nito. "No way!" Angal kaagad niya. "Axciel, Ilapit mo nga si—" "Fine!" Putol kaagad nito. Agad ko naman itong ningitian ng matamis nang tuluyan na siyang umalis. Tingnan natin kung kaya mong magbuhat ng limampung kilo na baboy. Ki-lalaking tao takot sa baboy. Nakita ko pang nandiri habang hawak-hawak ang isang paa ng baboy. Narinig ko na lang pinagtatawanan ito ng mga kababata ko dahil sa inasta niya. Unti-unting nawawala ang ngiti ko dahil biglang pumasok sa isip ko. Mauulit ba ito kung aalis na ako bilang taga bantay ng mga bata? "Mommy, let's go." Narinig ko na lang si Avyx kaya pilit ko itong ningitian.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.7K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.3K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook