I have to figure it out. Mabilis kong hinabol si Hunter papasok sa bahay niya. Hindi ako aalis. Sanay na akong ipinagtutulakan niya. Naalala ko ang sinabi ni Zyc. Siguro hindi ko lang siya naintindihan noon pero ngayon alam ko na ang ibig sabihin niya. Hunter needs me the most. Wala siyang ibang kasama rito, kaya nga siya may assistant. Alam kong magaling siya at malakas, pero mayroon din siyang mga bagay na hindi makakayang gawin. Kailangan niya pa rin ako. Nakasalubong ko si Zyc nang akmang aakyat na ako. Mukha pa siyang nagulat nang makita ako. "Diveca? You're still here." "Si Hunter? Gusto ko mag-stay dito. A-Asawa pa rin naman niya ako 'di ba?" mukhang natigilan siya sa sinabi ko. "Pero, kasi... Paano ko ba sasabihin." "Ayaw na niyang nandito ako?" "He's hurting too, Divecca.

