I didn't leave. Umalis ako sa kwarto niya, pero hindi sa bahay. Kahit anong sabihin niya, hindi ako aalis basta. I don't know where this stubbornness came from. Pero nagsisimula na akong mawalan ng pakialam sa nakaraan. Hunter needs me. Iyon ang nakikita ko. I have to stay, for him to get better. I need to persuade him. He needs to see it again. Hindi ako makakapayag na tuluyan siyang mawalan ng ganang ayusin ang sarili niya. Kinabukasan ay hinintay ko siyang gumising. Katatapos ko lang magluto ng almusal. Mayamaya lang ay nakarinig na ako ng mga yapak. Tahimik kong sinalubong si Hunt at marahan siyang hinawakan sa braso upang alalayan. Naramdaman ko ang panandalian niyang paninigas at halatang nagulat. "Dim..." "Mananatili ako Hunt." He tried to shove my hands away from guiding him,

