Trigger warning: Self-harm I woke up with swollen eyes and body pain. Para akong binugbog, from my throbbing head to my wrist and legs. Nakatulog ako kakaiyak na hindi ko na alam ang pagbuhat sa akin ni Hunter papaso, tanging natatandaan ko na lang ay noong maalimpungatan ako sa paglapag niya sa akin sa kama, after that ay muli na ulit akong nakatulog. "Miss..." Nilingon ko ang nagsalita and I found Jock serving a bowl of soup, a glass of milk, and sliced fruits. "Jock, why?" hindi ko matuloy ang pagtanong dahil nakakapagtaka ang ginagawa niya. We're not close, madalas lamang siyang utusan ni Hunter to pick me or send me. He used to drive a car for me, pero never kami nagkakwentuhan. "Kumain na po kayo Miss, hindi pa kayo nakapag dinner." Ilag ang mga mata niya pero hindi ko na lang ma

