Ilang araw pa lang na wala si Hunter ay sobrang dami nang pumapasok sa isip ko. Isama pa ang paglala ng nararamdaman ko. Madalas akong mahilo, at magsuka. Nawawalan na rin ako ng gana sa pagkain at madalas ko pang nasisigawan si Lester na kaagad ko namang pinagsisisihan after. "Maybe you need some fresh air. May gusto ka bang puntahan? Pwede kitang samahan." If only Kimmy or Tremor were here. "Pwede ba tayong magpahangin? Kahit d'yan lang sa may papalabas ng Village." "Sure..." Tahimik kaming lumabas at nagpasyang maglakad-lakad. It's already afternoon, at malapit nang lumubog ang araw. It feels nice to walk in silence. Wala naman din sigurong balak magsalita si Lester kung hindi ako magtatanong sa kaniya, he really respect my silence and what I want. Sinubukan kong tawagan ulit si Luc

