Hunter held me like a hostage. After the private wedding, na hindi ko na matandaan kung anon ga ba ang nangyari ay ikinulong niya ako sa kaniyang bahay sa Vegas, surrounded by his guards. Yes, he gave me a room, clothes, and everything that I need, but to stay in a house with him, nang pakiramdam na hostage ako at hindi asawa niya is suffocating. I feel like everything, something is choking me. I was too afraid to fight.
It’s already been a week; I'm so bored already. I don't have a phone and laptop here, ang tanging mayroon lang sa kwarto ay TV; nanood lang ako ng Netflix sa loob ng isang Linggo na naririto ako. Habang si Hunter, even though we are married ay bibihira ko lamang makita rito. Tanging mga tauhan lamang niya na nakabantay ang nakikita ko rito. I was currently sitting on my bed. Bukas ang bintana at pumapasok ang malamig na hangin. Gabi nanaman. Malungkot na ipinatong ko ang aking ulo sa magkadikit kong tuhod at niyakap ang sariling binti habang nakatanaw pa rin sa labas. I was in that state when I heard a couple of knocks. As usual.
Hindi ko iyon nilingon at nanatili lamang sa posisyon ko. Narinig ko na lang ay ang pagpihit ng doorknob at mahinang pagbukas ng pinto.
"Miss? Nakahanda na po ang hapunan niyo." I bet it's Jock. Isa sa malapit na tauhan ni Hunter. Siya ang nagsisilbing taga-luto ko rito. Malamang ay siya ang inatasan ni Hunter na gawin iyon. Hunter don't have maids. Hindi ko pa rin siya kailanman nakitang kumain dito at hindi ko rin siya kailanman nakasabay kumain.
"Wala akong gana," walang buhay na sagot ko nang hindi pa rin lumilingon sa kaniya.
"Pero Miss, kanina'y konti ang kinain mo, magagalit si boss." Gusto kong matawa dahil sa sinabi niya. Magagalit? Dahil hindi ako kumakain? Ano namang pakialam no'n sa akin? Natitiyak kong magsasaya pa iyon kapag nalaman na may sakit ako o mamamatay na ako sa gutom.
Hindi na nangulit pa si Jock at lumabas na rin ng hindi ko siya sagutin. Nagpalipas ako ng ilang oras hanggang sa hindi ko namalayang hating-gabi na pala. Natitiyak kong tulog na si Jock, at ibang mga taong nakabantay, wala na rin akong makikitang pagala-gala sa baba kaya nagpasya akong lumabas sa kwarto. I was only wearing a royal blue silk robe and flip-flops as I walked towards the kitchen. I opened the light and decided to make myself a sandwich. I was busy making my own dinner when I heard low thuds somewhere in the house. Noong una ay napalingon ako sa direksyon kung san ito nanggagaling ngunit kalauna'y hindi ko na lamang din pinansin at kumagat na sa sandwich na ginawa ko habang papaupo sa harap ng mesa.
Hindi ko maiwasang hindi maisip si Damon. Kung ano na ba ang ginagawa niya. Natitiyak kong nag-aalala na 'yon at ipinapahanap na ako sa mga tauhan niya. I know he has a lot of connections, pero hindi ko alam kung sapat ba 'yon upang mahanap niya ako?
Tulala akong kumakain ng mga oras na 'yon nang bigla na lang akong nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Nabitawan ko ang sandwich na hawak at nalunok agad ang nginunguya. Halos hindi p ako nakakakilos ng may mga lalaking nakaitim ang pumasok sa loob ng kusina at agad akong tinutukan ng baril. Mabilis akong nanigas at namutla; hindi alam kung ano ang gagawin. I can feel how my body trembled as my eyes widened.
"S-Sino kayo?" una kay Hunter, tapos ngayon ito naman?
Isa sa kanila ang sumenyas sa kasama nito na kaagad naman kumilos papalapit sa akin ng nakatutok pa rin ang baril sa akin. I can hear my loud heartbeat, pakiramdam ko nab-blanko na ang isip ko. Memories of the past slowly came back to me as my body felt weak. Gusto ko na lang maglaho at hilingin na sana panaginip lamang ito. I closed my eyes and bit my tongue as I swallowed hard, waiting for the man to get near me. Ngunit bago pa man mangyari iyon ay nakarinig na ako ng sunod-sunod na putok at may malamig na bagay pa ang tumalsik sa mukha ko. My body remained stiff, afraid to open my eyes. Nanatili ring nanginginig hindi lang ang katawan ngunit pati buong pagkatao ko ngunit sa maiksing oras matapos ang sunod-sunod na putok. A pair of arms wrapped around my shoulder and waist, caging me. Ngunit imbes na kumalma ay mas lalo lamang bumigat ang pakiramdam ko at nanlambot ang aking tuhod. I almost fell, kung hindi lamang niya ako yakap at kung hindi lamang ako nakasandal sa kaniyang katawan.
Mas lalo akong naiyak, na halos hindi ko na mapigilan. I cried like a child.
"I t-thought I. . . I. . ." f**k! Hindi ako makapagsalita ng buo. Napakapit na lang ako sa laylayan ng damit niya at patuloy na umiyak. The man who is hugging me, caresses my hair. His scent is familiar to me, kaya kahit hindi ko tingnan alam ko kung sino siya.
"Shhh, hush now. . . they're gone. You're safe. Tahan ka na," He kept on telling me I'm safe already, na wala na 'yong mga lalaki. paulit-ulit niya akong pinapatahan hanggang sa tuluyan akong tumigil. I remained grasping on his shirt, ng bigla na lang niya akong buhatin na parang anak niya. My leg was wrapped around his waist, my arms were around his neck, and my head was now resting on his shoulder. Kahit gusto ko mahiya sa itsura at sa posisyon ko ay hindi ko na lang pinansin at nanantili na lang nakapikit. Ramdam na ramdam ko ang panghihina ng buo kong katawan dahil sa nangyari kaya hindi ko na magawang mag-protesta sa pagbuhat sa akin ni Hunter paakyat sa kwarto, with his arm under my ass and his other hand placed behind on my back.
For once, nagpapasalamat ako na umuwi siya ngayon.
Nakaakyat kami sa kwarto kung saan niya ako pinapatuloy. He opened the door, still carrying me, and closed it again, continuing to walk. Buong akala ko’y ilalapag niya ako sa kama ngunit napamulat ako ng derederetso niya akong dalahin sa loob ng bathroom. He placed me on the surface of the counter's sink. Napatitig ako sa kaniya na siya namang nag-angat saglit ng tingin sa akin. His stirling gray eyes were in a darker shade as he turned his back and pulled his shirt off him. Nakita ko kung paano nag-flex ang muscles niya at kung gaano kaganda ang pagkaka-built ng katawan niya.
Hunter has this tattoo on his back: a sword embraced by a snake with a crown on top and wings on both sides. Sa lower back part niya sa left side ay may maliliit na sulat. Hindi ko ’yon masyadong mabasa at hindi na rin ako nagkaroon ng chance dahil humarap na siya sa akin may dala siyang gray towel. Ipinatong niya rin pala ang damit niyang hinubad sa drawer. He's only in his pants right now, and, like, it doesn't matter to him if he's topless in front of me. Walang emosyon siyang lumapit sa akin, and when I was about to speak, ay bigla nanaman niya akong binuhat. He walked towards the shower tunnel. He opened the shower as lukewarm water flowed down on me, who was still in my robe. Nanlalaki ang matang napatitig ako kay Hunter na nasa harapan ko lang, watching me soak. Nang mapansin niyang gulat ako at hindi alam ang nangyayari ay napamasahe siya sa batok at nagbaba ng tingin bago ako tinalikuran.
"Clean yourself; I’ll wait outside." That's the last thing he said before he walked out. Nakita ko pang kinuha niya ang towel na nakasabit sa gilid pati ang shirt niya at derederetsong lumabas ng bathroom. Tila natatauhang napaayos ako ng tayo at pinasadahan ang sarili. Hinubad ko ang damit at piniling sundin siya. I am not naive enough not to know why he wants me to clean myself. That thing na naramdaman kong tumalsik sa akin kanina, I know what it is. Blood.
He was the one who shot a while ago. Tunog ng baril niya ang narinig ko. He saved me by killing those men before they even got near me. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. I let the water cascade on my body as I soaped every part of my skin. The luxurious scent of the soap I was using lingers inside my nostrils and almost makes me forget what happened earlier. Para akong binatukan ng malakas at agad na napamulat, only to see that the shower room I was using isn't the one I am using sa loong ng isang linggo na naririto ako. It was... Hunter's! Even the soap, kay Hunter. The shampoos and shower gels na nakahilera ay hindi ang mga ginagamit ko. It smells exactly like him! Kumalabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan kaya agad-agad kong pinilig ang ulo at nagmadaling tapusin ang ginagawa.
After that ay kaagad kong kinuha ang robe na nakasabit. It's unused, I saw Hunter place it there after he pulled it out of the drawer. Matapos isuot iyon sa sarili ay kumuha naman ako ng towel na kaagad kong ipinulupot sa ulo ko. I don't have very long hair. It was neck-length blonde hair, kaya hindi naman mahirap mapatuyo at mapuluputan ng towel. Nakapaa akong tumungo sa may pintuan at marahang binuksan ang pinto. Sumilip ako sa labas ng bathroom only to see nothing but an empty bed of him. Kumunot ang noo ko ng makitang may pares ng pajama ang nakalapag sa ibabaw ng kama niya. Marahan akong lumapit doon at lumingon-lingon pa bago kinuha ang mga iyon. May pair of underwear pa na kinamula ng mukha ko. Tangina? Alam niya pati ang size ko!
Napailing na lang ako, slowly forgot the scene earlier. Isinuot ko ang mga damit at saktong ibinababa ko na ang shirt ay bumukas ang pinto ng kwarto ni Hunter. Bagong ligo rin siya, he's only wearing a black hoodie and black jogging pants. Magulo ang medyo basa pa niyang buhok ngunit ang mas kinagulat ko saglit ay ang tray na dala-dala niya. Did he... cook?
"Eat this, you didn't eat earlier, and a sandwich won't make you full," He said this in his monotone, deep voice as he placed the tray of food on his mini table. After that ay lumapit siya sa akin habang nakapamulsa.
"How are you feeling? What happened earlier... I didn't expect that. I should’ve doubled my guards."
"I'm okay, it wouldn't change the fact that my life has been in danger since the day you took me." matabang na sabi ko ngunit hindi nagbago ang emosyon sa mga mata niya. I felt uncomfortable having an eye-to-ey contact with him kaya kaagad akong umiwas ng tingin at tumungo sa mini table niya at naupo sa harap nito to eat.
"I don't regret any of the things I did to take you with me. Your brother deserves everything I am doing and I will do." hindi ako nagsalita ngunit tila may bumara sa lalamunan ko.
"You'll pay for him, and he'll pay for everything he did to me." a tear dropped from my eyes as I started to eat like he wasn't there. I ate like I was all alone, kahit deep inside, I was hurting. I don't get it.
Anong atraso ni Damon sa kaniya par a parusahan niya kami ng ganito? Para idamay niya ako sa away nila? Pero kahit anong gawin ko, wala naman akong laban sa kaniya, wala akong magawa upang tumakas. We're married. I am now a Martinez, which I hate. Bakit kailangan ko siyang pakasalan? Para ano? Sirain ako? Para saktan si Damon kapag nalamang I am ruined?
Hayop ka Hunter kung ganoon. I'll make sure na makukulong ka kapag nakawala ako rito. I'll make you think you’re holding me, hanggang sa magawa ko nang makalabas at kapag nangyari ’yon, I'll surrender you to authorities. That's my plan.