Bagot na bagot na ako sa bahay ni Hunter. Mas napapadalas na rin ang pag-stay niya sa bahay kaya madalas ko na lang ikulong ang sarili ko sa kwarto. Bumababa lamang ako kapag tumatawag si Jock para kumain dahil alam ko na hindi naman ito sasabay.
Nadaanan ko si Hunter na abala sa pagbabasa sa living room. Hindi siya sumulyap sa akin habang derederetso naman akong tumungo sa kitchen. It's lunch time. Gusto ko sanang lumabas mamaya to shop, pero naalala kong wala ako rito to enjoy or do things.
"Do you want to unwind later?" My heart almost jumped out of my chest when I heard Hunter's voice behind me. Seryoso ito. Hindi ko siya nilingon pero pinapakiramdaman ko siya. He walked towards the fridge and took something to drink as he looked at me.
"I'll let Jock come with you."
"Gusto ko mag-shopping. Is that really fine with you?" tumango ito. Nagtaka naman ako. What kind of kidnapper will let his hostage roam around, and accept her request?
"You're my wife now, don't treat yourself like a prisoner. Just don't do something that will make you one. Cause one wrong move, Divecca, and you'll never have a chance to step your foot out of this house." after niyang sabihin ’yon ay lumabas na rin siya. Sandali akong natulala bago nagpatuloy, cursing him inside my mind.
Kinahapunan ay nagpasya akong lumabas at tulad ng sabi ni Hunter, ay sinamahan ako ni Jock. I went to the mall; binibili ang mga gusto kong bilihin gamit ang card ni Hunter na pinahiram niya sa akin.
I saw a limited-edition luxury Dior bag naalala ko noong mga panahong model pa ako at brand ambassador ng Dior. I have so many bag collections of different designer bags. At umaatake nanaman ang side ko na hindi papayag na hindi makuha ang bag na gusto ko lalo pa't bagong labas lamang iyon at wala pa ako, kaya kaagad ko iyong hinawakan ngunit may kasabay akong humawak doon.
"Uh," We both stare at each other and glance at the bag that we are holding. The girl must be American. She has this hazelnut long wavy hair. Round blue eyes and reddish tin lips. Nakasuot siya ng floral dress and black boots with a nude Chanel purse.
"Uh, sorry, go on you can have the bag." she smiled at me. She looks harmless and friendly. Napasulyap ako kay Jock na nakamasid lang sa amin habang may kausap sa phone niya. Pansin ko rin ang mga lalaking nakaitim 'di kalayuan, magkakahiwalay sila. Napailing na lang ako at binalik ang tingin sa babaeng nakangiti pa rin sa akin.
"No, it's okay, you can have it."
"Nah, you saw it first, I guess."
"Really? T-thanks." Nahihiya na sabi ko pero mas lumawak ang ngiti ko.
"You look like a model. I think I've seen you before, are you that famour Dimaria Rushwood? Anyway! I am Kimberley Gin David. I am a talent manager and I handle models. If you're interested, please don't hesitate to call me, here's my number." she handed me her calling card. Nag-aalangan pa akong tanggapin iyon dahil alam ko naman na hindi ko rin siya matatawagan pero tinanggap ko pa rin.
"I-I don't know what to say but. . . Thank you so much. It's my pleasure to be one, but m-my husband won't let me." nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.
"Husband?" She looked at me from head to toe with her wide eyes.
"You already have a husband? Hindi halata!" natutop niya ang bibig nang makapagsalita siya ng tagalog. Akala niya ay hindi ko iyon naintindihan.
"I mean, you don't look like a married woman. I'm impressed." I smiled and bit my lip.
"So, you know how to speak filipino language? I may be a pure-blood American, but I was born in the Philippines. Nakakaintindi at nakakapagsalita rin ako ng tagalog." mas lalong nanlaki ang mga mata niya.
"OMG! Thank God! So taga rito naasawa mo?"
"Uh, no. Taga Pilipinas din pero. . . He's also a pureblood, I think. Spanish." Her lips formed "o" as I said that.
"Siguro gwapo ang husband mo ’no?" kiiikilig na tanong niya at ngumiti na lang ako. Gwapo naman kasi talaga si Hunter. Sa isang linggo ko sa bahay nito ay may mga alam na rin ako tungkol sa kaniya ngunit hindi lahat. I just know that he's a CEO, a billionaire, a syndicate, and a licensed engineer. Halos magkaedad din sila ni Damon. Just that nauna lang talaga mag-aral si Hunter. Kasi si Damon, late na ’yon nakapagpatuloy sa pag-aaral dahil sa mga pangyayari noon.
"Ayie! Silence means yes! Anyway, do you want to have a coffee with me? Gusto pa kita makausap ng matagal, you know!" hindi na ako tumanggi pa. Nagpahila na ako sa kaniya habang si Jock ay nanatili namang nakamasid at nakasunod sa amin.
Kimmy took me to a coffee shop, she said it's her favorite coffee shop. Kimmy, na lang din daw ang itawag ko sa kaniya and guess what? Nalaman ko na malapit lamang siya sa bahay ni Hunter. Magkapit-bahay lamang kami kaya nakisabay na rin siya sa amin ni Jock. She's so lively and talkative. Balance kami dahil hindi naman ako madaldal. I listen when she talks a lot. Mabilis nag-click ang personality namin and she becomes more and more clingy habang tumatagal. Halos kalahating araw lamang kaming nagkasama pero parang isang taon na kaming magkaibigan.
"Pag-isipan mo ah, any work you want to do with me is fine naman. Kung ayaw mong maging model, you can be my assistant." ngumiti siya sa akin bago kumaway. Kumaway din ako.
"Thank you, Kimmy!" I said as she walked inside her house, bago minaneho ni Jock ang kotse papasok sa bahay ni Hunter.
Pinagisipan kong mabuti ang offer ni Kimmy as I walked inside the house. Naabutan ko si Hunter na nakapamulsa habang pababa ng hagdan at may kausap sa phone niya. Bumaling siya sa akin at may kung anong sinabi sa kausap bago ibinaba ang tawag.
"Did you enjoy it?" he asked as if he cares.
"Yeah..." lalagpasan ko na sana siya ng may maalala ako.
"Uh, someone, a woman I met, offered me a job. Assistant. I'm bored, I want to make money. Malapit lang naman ang company na pinagt-trabahuhan niya, can I work?" Bakit ba kailangan ko pa ng permission niya?
Huminto si Hunter at marahang lumingon sa akin. Walang mababakas na emosyon sa mukha niya ng titigan niya ako. Bumagsak ang balikat ko dahil alam ko na agad ang isasagot niya. Bakit ba nagtanong pa ako?
"Okay."
Napaangat ako ng tingin ngunit nakatalikod na siya sa akin.
Okay? So payag siya? What makes him, though?
Whatever. Ang mahalaga, hindi ako mabubulok sa bahay niya.