CHAPTER 15❤ PAST IS COMING
Nagising ako sa tunog ng cellphone ni Jordan. Nakayakap pa siya sa akin, pero patuloy na tumutunog ang cellphone niya. Kaya napilitan itong bumangon para sagutin ang tawag. Pumunta ito ng banyo dala ang cellphone niya. Titihaya na sana ako ng bumalik si Jordan. Kaya dumapa ito sa dibdib ko mismo tumuon ang mukha niya.
Ang clingy niya!
"Good morning." bati niya ng maramdaman niyang yumakap ako sa kanya.
"Good morning." paos na sabi ko sa kanya. Bahagya itong umungol akala mo nasaktan siya.
"You want another round?" umangat ang mukha niya sa akin kaya napatingin din ako sa kanya.
"No, masyado ng masakit kaya tama na." sagot ko sa kanya.
Humalakhak ito sa sinabi ko. Sino ba naman kasi ang hindi masasaktan halos hindi na niya ako tinigilan kagabi. Tatlong oras lang siguro ang tulog ko ngayon. Kasi naman habang tulog ako naramdaman ko pa rin ang kamay niya na patuloy na humahaplos sa katawan ko.
Nang sinabi kong umalis na sa ibabaw ko ay umalis naman siya. Pero tumabi siya sa akin at yayakap sana pero bumangon na ako. Binalot ko ang comforter sa katawan ko akmang tatayo na sana pero napabalik ako ng upo ng sumakit bigla ang gitnang bahagi ko.
"Sh*t." sambit ko.
Bumangon si Jordan at umupo sa tabi ko.
"Are you ok?" tanong niya.
"Are you an addict? you know it hurts, are you really asking if I'm okay?" Singhal ko sa kanya.
"Can you stand up? I can carry you to the bathroom, if you want." he suggested.
I didn't say a word and just felt myself. I am ashamed to be carried by him, because we're not even in a relationship. Maybe I can try to stand up again.
Pero hindi talaga kaya ng paa ko. Naubos siguro ang lakas ko kagabi.
Nak ng pating naman oh!
Mayaman ako pero pag ganito ang sakit napapamura ako ng marami.
He didn't wait for my response, he carried me to the bathroom. He put me down the toilet and left me here by myself. I heard the door open and close. Lumalabas lang ang ihi ko ay para akong maiiyak sa sakit. Pero pinilit ko pa rin na tapusin ang pag ihi ko. Saka ko iniwan ang comforter sa sahig ng banyo at tumuloy sa shower. Tinantiya ko muna ang tubig ng maging maligamgam na ang tubig ay tuluyan na akong naligo. Nang matapos ay nagbihis na ako sa konektado ng pinto sa banyo papunta sa wardrobe ni Jordan kung saan nandoon din ang mga damit ko.
Paglabas ko ng banyo ay nakita kong hinihintay ako ni Jordan at may dalang pagkain sa isang tray.
"Breakfast in bed?" alok nito sa akin.
Pinilit kong lumakad ng maayos pero hindi talaga maiwasan sa tuwing magkikisan ang dalawang binti ko.
"Ganito ba talaga pag first time?" inosenting tanong ko kay Jordan.
"Yeah, some other girls got fever after their first. Good thing you're not in a fever." he said while putting the food on the table.
"You must be great, because I can handle your size." nakangisi na kong saad ko sa kanya.
"You must handle my size, 'cause this is not the last time you can feel my size," he said proudly.
Hindi na ako sumagot sa kanya, bagkus ay tinuon ko na lamang sa pagkain ang atensyon ko. Ganoon din naman si Jordan. Kumain kami na hindi nag uusap, pagkatapos ay agad niya itong niligpit pagkatapos naming kumain. Ako naman ay bumalik sa kama para mahiga, hanggang sa tuluyan na akong makatolog.
Tanghali ng magising ako ulit, hindi ko na rin nakita si Jordan. Maybe he's off to work, bumangon ako saka pa ika ika na lumakad papunta ng banyo. Sh*t heto na naman tayo sa consequence na ginawa ko kagabi. Matapos kong magbanyo ay kaagad akong lumabas ng kwarto. Pagbaba ko nakita kong naglilinis si Manang Eura at ang apo nitong si Wana sa sala.
"Magandang tanghali po, Ma'am." bati nito sa akin. Ganoon din si Wana.
"Magandang tanghali din po." nakangiting bati ko sa kanila. "Si Jordan po?" tanong ko sa kanila.
"Nasa trabaho na po, ibinilin ka niya sa amin. Pagkagising mo daw pakainin ka kaagad baka daw gutom ka na." nakangiti ni Manang Eura sa akin.
Pumunta ako ng dining area, sumunod naman si Manang Eura at Wana sa akin. Sinandukan nila ako ng makakain at nilagay sa harapan ko.
"Sabayan nyo na po ako dito, nakakalungkot po kasing kumain mag isa." alok ko sa kanila.
Nagkatinginan silang dalawa, at nag aatubili kung sasamahan ako.
"Sige na po." aya ko sa kanila. Tumango si Manang Eura at saka ito kumuha ng plato saka kubyertos para kanilang dalawa. Nakangiti naman na tumingin sa akin ang apo nito.
"Ang ganda at ang bait niyo sa amin, Ma'am." sambit nito pagkatapos umupo.
"Salamat." sabi ko.
Kumain kami ng masaya, para ko na ring nakasama si Mommy. Marami kaming napag usapan hanggang sa mapunta sa ex ni Jordan na ang pangalan ay si Vaile. Habang sila raw ni Jordan ay nagkaroon daw ito ng relasyon sa trabaho. Huli na ng malaman daw ni Jordan kaya si Jordan daw mismo ang nakipaghiwalay dito. Maganda at suplada daw ito palagi daw po itong pumupunta dati sa bahay ni Jordan. Kaya napilitan na i banned si Vaile sa intrance ng subdivision. Kaya hindi na daw nito namataan na pumunta dito ngayon. Modelo daw ito ng isang brand ng damit pero balita raw ni Manang ay nasa ibang bansa daw ito at may tinatapos na kontrata. Babalik pa daw ito para kay Jordan. Kaya pinayuhan ako ni Manang na bakuran ko daw si Jordan baka daw bumalik ang ex nito at maagaw pa sa akin si Jordan.
Paano ko kaya mababakuran si Jordan ni hindi ko na ito boyfriend? Nasa kanya na lang din naman 'yon kung babalik pa siya sa ex niya na niloko siya. Wala naman akong magagawa dahil hindi hamak na taga gawa lang naman niya ako anak niya. Pagka anak ko wala na akong silbi kay Jordan. Malaya na kaming dalawa maghanap ng sarili naming relasyon.