CHAPTER 16❤ Pregnacy is waving

914 Words
CHAPTER 16❤ PREGNANCY IS WAVING Lumipas pa ang buwan na magkasama kami ni Jordan. Ginawan niya na rin ako ng account at doon nilagay lahat ng pinag usapan namin na amount. Matres ko kapalit ng sampung million, ganyan ka baba ang presyo ko. Gusto niya pa sanang dagdagan pero umayaw na ako. Pakiramdam ko kapag nabuntis at nanganak ako ay isa na akong masamang ina kasi pinagpalit ko sa pera ang anak ko. Kahit pa sigurado na ako na hindi pababayaan ni Jordan ang anak ko ay naawa pa rin ako sa magiging anak ko. May pumapasok sa isip ko na paano kapag nakahanap ng mapapangasawa si Jordan? Tapos maldita at alilain lang ang anak ko kapag wala si Jordan? Kawawa siya kapag dumating sa puntong yon ang danasin ng anak ko. Plano ko kapag nanganak at naka alis na ako sa bahay ni Jordan ay bibili ng bahay dito sa subdivision malapit sa bahay ni Jordan. Tapos babalik ako sa pagmomodelo para makaipon ako ulit babalik ko ang sampung million na binayad ni Jordan sa akin. Babawiin ko rin ang anak ko sa kanya sa tamang panahon. Hay sana lang umayon lahat sa plano ko ang tadhana. Hanggang ngayon hindi pa din alam ni mommy ang kalagayan ko. Patuloy pa rin siya sa pangungulit kung saan ako ngayon. Pero ayaw ko talagang sabihin sa kanya. Nahihiya ako sa kanya kasi ganito ang ginawa ko sa buhay ko. Despirada na ako pero ayoko magpakasal sa taong kaibigan ko mismo ang napupusuan niya. Sana naman may mabuo na para hindi na ako magtatagal dito sa bahay ni Jordan. Halos kada gabi kami nagtatal*k pero mukhang ayaw pa talaga niyang mabuo. Pero ramdam kong nag iba ang katawan ko. Hindi na kasi ako nakapag exercise. Kaya siguro ako naninibago sa katawan ko. Iba na kasi ang routine ko ngayon kung dati limitado ang pagkain ko ngayon naman ay tambak ako sa pagkain. Palagi akong binubusog ni Jordan hindi lang sa pagkain kundi sa ibang bagay rin. Delay na ako ng isang linggo pero baka ganito lang talaga ako ngayon. Noong nakaraan ay delay ako pero ng nag test ako ay negative naman. I feel disappointed pero inalo ko na lang ang sarili ko na baka hindi pa niya ibibigay sa akin ang hinihingi ni Jordan. Hinayaan na rin ako ni Jordan na bisitahin ko si Lilet. Kaya nandito ako ngayon at naghihintay kay Lilet. Day off kasi ni Lilet kaya pumunta ako dito. Inutusan ko kasi siyang bumili ng pagkain. Namimis ko ang pagkain ng kalabasang nilagyan ng kalamay. Tsaka 'yong kalabasa na may gata at nilagyan ng kaunting malunggay. Natatakam ako kapag naiisip kong pagkain na ne request ko kay Lilet. Kaya walang nagawa si Lilet habang inuutusan ko siya bumili at siya na mismo magluluto. Nakahiga ako at tamang scroll lng sa social media account ko. Maya maya lang ay bumukas ang pinto ng kwarto. Kaya napatingin ako sa pumasok. Si Lilet nakasimangot habang may bitbit na mga plastik. "Naglilihi ka na siguro, ayaw mo lang sabihin sa akin." bungad sa akin ni Lilet ng pumasok ito ng kwarto dala ang pinamili niyang kalabasa at ibang sahog sa lutuin. May bitbit din itong tinapay na ibinilin ko sa kanya bibilhin niya para sa akin. "Hindi nga sabi ako buntis." sagot ko sa kanya. Hindi na siyang umimik pero alam kong hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Tinulungan ko siyang linisin at hugasan lahat ng lulutuin niya. Saka ko siya hinayaan sa maliit niyang kusina na gumalaw. Ako naman ay nakahiga at naghihintay lang na makatapos siya sa pagluluto. Probinsyana kasi si Lilet kaya sanay siya mga lulutuin. Kwento niya na sa lugar nila sa Iloilo ay hindi pwedeng hindi siya makapagluto sa tuwing umuwi siya galing maynila kasi daw namimiss ng nanay niya ang luto niya. Ang sarap siguro kapag sa probinsya ka nakatira? Preskang hangin at fresh na pagkain. Nang maamoy ko ang paluto niyang pagkain. Tumayo ako saka pumunta sa gawi niya. "Smells good, malapit na maluto yan sis." sambit ko habang inamoy amoy ko ang laman ng kaserola. "Opo kamahalan, kaya maghintay ka lang ng kaunti at ito'y hahanguin na." nakangiti nitong sabi habang tinitikman ang kalabasang may gata. "Luto na po pati 'yong dolseng kalabasa luto na rin po." sabi niya maya maya lang. Sinandukan niya ako sa isang mangkok ng kalabasang may gata. Tapos sa isang mangkok naman ay dolseng kalabasa ang nilagay niya. Kinuha ko rin ang tinapay saka pinalaman ito ng dolseng kalabasa. Nakangiting tiningnan ako ni Lilet saka tinuro ang tiyan ko. "May laman na siguro 'yan? hindi mo lang alam." sambit nito. "Hindi pa ako sure kasi delay ako ng one week." namilog ang mata nito sa sinabi ko. "Talaga ba?" na excite niyang sabi. "Oo, Pero hindi ko pa na sasabi kay Jordan kasi ayokong umasa siya." sagot ko sa kanya. "Pagkatapos mong manganak kapag nagkataon may plano ka na ba?" tanong niya sa akin. Alam ni Lilet ang tungkol sa kontrata namin ni Jordan. Siya lang naman ang nag iisa kong pinagsabihan. Kasi may tiwala ako sa kanya na hindi niya ipagsasabi sa iba ang sekreto ko. "May plano na ako pero hindi pa ako sure." sabi ko. Sinubo ko ang huling tinapay sa kamay ko saka ako tumayo para maghugas ng kamay sa lababo. What if bumalik ang ex ni Jordan. Paano kung saktan niya ang anak ko sa huli? Makikita ko pa kaya ang anak ko kapag bumalik ako dito?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD