[Unang pagkikita sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon.]
Naglalakad ako ngayon sa kagubatan, ewan ko bakit ako napunta sa lugar na'to. Wala kasi ako sa sarili. Palagi nalang nag-aaway sina mom and dad. Malaking Flower shops ang pinapatakbo nilang business and marami narin itong branches ako naman happy go lucky lang. Gala dito gala doon. Palagi kasi silang wala sa bahay at si tito EL lang ang nakakasama ko doon pero nang dumating sa bahay si mom kanina, bigla nalang niya sinabi na kailangan ko daw magpakasal. Hayst ayukong gawin yun. ayukong makasal sa babaeng hindi ko naman gusto.
(sigh)
"teka? sino yan, isang babae na walang malay?" dahan-dahan ko siyang nilapitan at kinilatis kung buhay pa ba. Humihinga pa siya at bakit puro dugo ang tagiliran niya?
Ang kulay puti na damit niya punong-puno ng dugo.
"Miss naririnig mo ba ako?" umuungol lang siya siguro oo ang ibig sabihin non. "Kailangan kitang dalhin sa hospital. Kumapit ka ng mabuti." binuhat ko siya na parang bridal Carry ang style para mas magaan pero nahihirapan akong makita ang dinadaanan namin. " Tulong! may iba pa bang tao dito? Tulungan niyo kami!!" arrgh! bakit kasi ang bigat mo?
Ayan, malapit na tayo sa sasakyan ko. Kapit lang, humihinga ka pa ba? Hayst bakit ako natataranta nanginginig na ang mga tuhod ko pero hindi ko yun ininda ang tanging nasa isip ko lang maligtas ang babaeng'to.
Mabilis ang biyahe namin kaya mabilis kaming nakarating sa hospital. Mga ilang oras din akong naghintay sa waiting area and finally lumabas narin ang doctor.
sinalubong ko siyang puno ng pag-asa ang mukha. "doc, ako po yung kasama ng pasyente" pakilala ko rito.
"Okay na ang lagay niya kaya lang masyadong maraming dugo ang nawala sa kanya kaya kailangan nating makahanap ng dugo na match din sa dugo niya." naintindihan ko ang sinabi ng doctor kaya tumango nalang ako.
"pwede ko na po bang madalaw yung pasyente?" tanong ko rito at tumango lang siya bilang sagot.
"teka, pwede ba tayong mag-usap mamaya? come to my office" ano naman pag-uusapan namin?
"Sige po, doc." Naks bait ko hahaha.
(kring...x³)
At sino naman 'to? si Rhitt lang pala.
"oh napatawag ka?"
"tinatanong pa ba yun? kanina kapa namin hinintay dito sa bar! nasaan kana, ha?!" galit na naman. bahala kayo dyan.
"Enjoy kayo. Hindi ako makakarating nasa hospital kasi ako. kung gusto mong pumunta dito daan ka nalang sa shopping mall, bumili ka ng damit pambabae" alam kong mas nagagalit pa yun. Kaibigan ko si Rhitt at kahit mainitin ang ulo non mabait naman siya at maaasahan pa.
"Anong... sinong nasa hospital, at bakit naman ako bibili ng damit pambabae, ha? ginogood time mo talaga ako, Zelan!"
"Sige na bilisan mo send ko sa'yo yung address ng hospital and size ng damit na bibilhin mo." binaba ko na agad yung phone para hindi na siya makapag- reklamo pa.
Pumasok na ako sa room kung saan nandon yung babaeng tinulugan ko. Nag bilis niyang magkamalay ang weird.
"Ikaw ba yung lalaking tumulong sa'kin?" bungad niya agad. lumapit muna ako sa kanya bago sumagot.
"Ako nga. Musta na ang sugat mo?"
"Okay na. Hindi na masakit." ang weird talaga. Sa laki ng sugat niya, parang naghihingalo na nga siya kanina tapos ganon lang kabilis humilom?
"Ahh mabuti naman kung ganon. Ako nga pala si Zelan Huxley." ngumiti siya at itinambad sa harap ko ang maliit at makinis niyang palad.
"Sylphina Angel. pero pwede mo'kong tawaging Phina." ngumiti pa siya. pero hindi ako dapat maniwala agad sa taong tulad niya lalo pa't ang weird niya. Baka alien siya or something stranger.
"Ito na yung pinapabili mo."
"Ah ikaw pala, Rhitt." hayst nagulat ako don. Pano bigla-bigla nalang kasi sumusulpot hindi marunong kumatok.
"Siya ba yung bago mong kasintahan, Zelan?" siraulo talaga.
"Tumigil ka nga! hindi ko nga siya kilala kasintahan pa kaya." reklamo ko reto pero ngumiti lang siya. May mali ba sa sinabi ko?
"Edi kilalanin mo tapos jowain mo na." hayst sabi ko na nga may naisip na naman siyang kalukuhan.
"Heto na ako, guys"
"Oh Kurt! Paano mo nalaman?" gets agad ni kurt kung anong ibig kong sabihin kaya tinuro niya si Rhitt and alam ko agad na si Rhitt ang may pakana.
"Hayst bakit mo naman sinabi? pahamak ka talaga" naiinis ako parang gusto ko tuloy sipain si Rhitt pero hindi ko yun magagawa sa kanya mabait kaya ako.
"So... wala kang balak sabihin ang tungkol dito? Ang sama mo sa'kin, Zelan" tssk may paiyak-iyak pang nalalaman mga baliw na ata.
"Jowa mo?"
"Ano?!" halos sabay kaming tatlo sumagot dahil sa nakakatawang tanong ni Phina. Panong magiging jowa ko si kurt? tssk hindi nag-iisip.
"HAHAHA! Oo magjowa silang dalawa at dahil nakita ni kurt na may kasama si Zelan na isang magandang dilag ngayon, magbe-break na sila at kayong dalawa na ni Zelan ang magkatuluyan! HAHAHA! Araayy!" yan ang bagay sayo. kulang pa ang isang palo sa ulo para tumino ka.
"Guys si Phina nga pala. Nakita ko siyang duguan at walang malay sa gitna ng kagubatan kaya dinala ko siya rito. Mali ang iniisip niyo." bakit ganyan sila makatingin sa'kin? "May masama ba sa sinabi ko?"
" Meron! ano naman ang iisipin namin?" oo nga pala nag over think lang ata ako.
"Pfft. Tumigil nga kayo, kainis" nasira na naman ang mood ko hayst. "Hoy, Phina bayaran mo ang hospital bill."
"Bakit ako? wala akong pera at isa pa ikaw ang nagdala sa'kin dito kaya ikaw mag bayad" wow nakakagulat din ang babaeng'to.
"Tama! kaya bayaran mo na" magsama sila ni Rhitt ang kapal ng mukha.
"Bahala kayo sa buhay niyo"
"Hoy saan ka pupunta? Zelan!" tama lang siguro na mag walk out sa lugar na yun, kakainis kasi ang mga tao don.
Puntahan ko nalang yung doctor. Dumeretso ako sa information desk at nagtanong kung saan ang office ni doctor Wang. Buti nalang nakita ko yung last name niya sa name tag.
"This way, sir." ginabayan ako ng isang nurse na... ang ganda niya, grabe. Makuha nga number niya. "Hintayin niyo nalang po, may operation pa kasi siya."
"Ha?"
"sabi ko maghintay kayo dito kasi hindi pa tapos ang operation niya." Grabe hindi ko namalayan nandito na pala kami, nawili kasi ako kakatitig sa liig niya. Ganda talaga.
"ah- Sige" ano ba yan nauutal ako. Ngumiti siya at akmang aalis na sana. "Miss, pwede ko ba hingin ang number mo?" Pahabol ko rito.
"Sorry may asawa na ako"
"Ano?"
"Alam kong narinig mo ang sinabi ko." ang taray... nakakahiya ang ginawa ko bakit kasi nag asawa na siya. Hindi niya ako hinintay, hindi talaga nag-iisip.
"Naghintay kaba ng matagal?"
"oo. ikaw lang naman ang hindi naghintay sa'kin."
"Sorry, mr. Huxley" napalaki ang mga mata ko nang makitang si doctor wang pala yun. Kahiya ano ba yan.
"Siya nga pala ang asawa ko." sambat ng nurse kanina.
"AHH...Ano?" kung minamalas nga naman, hayst hindi uubra dito ang pag-play boy ko.
Tumingin siya sa nurse na asawa niya daw at tumango. Sinyalis na kung pwede iwan niya muna kami.
"Ano po bang pag-uusapan natin?" Panimula ko ng makitang nakaalis na yung asawa niya.
"Nabanggit ko sayo kanina na kailangan nating makakita ng blood donor para sa pasyente." tumango-tango lang ako. "Pero ang nakakapagtaka... Wala sa type ng mga dugo ang dugo niya parang kakaiba ang babaeng yun hindi ko lang masabi kung ano siya" maski ako nagtataka din pero ayuko munang mag-isip kung ano.
"Ako nga rin nagtataka, ang bilis humilom yung sugat niya at parang okay na rin ang lagay niya." naguguluhan ako pero tama lang nasinabi ko yun.
"possibly kayang..."
"ano?"
"Hoy! ang lalim ng iniisip mo ah"
"huwag ka ngang nanggugulat" nakakairita talaga 'tong si Rhitt.
Nga pala mga kaibigan ko, Rhitt Vergara, 23 years old. Mabait naman siya pero minsan siraulo din. Kurt Hilton, 25 years old halos magka-edad lang kami kaso mas matanda siya sa'kin ng ilang buwan. Mabait din siya at madalas tahimik. Close kaming dalawa kasi siya yung nakakasundo ko sa lahat ng bagay.
"Ano ba kasing iniisip mo?" tanong sa'kin ni Kurt.
"Wala."
"Phina, saan nga pala ang bahay niyo? para mahatid kana namin." biglang nalungkot ang mukha neto dahil sa tanong ni Kurt.
"Wala akong bahay." impossible! Baka nang gogood time lang ang babaeng'to.
"Pwede ka namang tumira muna sa apartment ni Zelan."
"Ano? sino may sabi na pwede siya doon?" pfft siraulo talaga'tong si Rhitt.
"Oum. doon muna siya sa apartment mo" pati ba naman si kurt, sumang-ayon na rin? hayst.
"Huwag na. Maghahanap nalang ako ng matutuluyan." Tssk pakipot pa eh gusto naman.
"Huwag kang mag-alala mabait yang si Zelan at isa pa kakalabas mo lang sa hospital, kailangan mong magpahinga." hayst pahamak talaga'tong Rhitt Vergara na'to. Kung makapagsalita parang siya ang may ari ng apartment. Ayukong tumira kasama ang weird na babaeng'to.
"Zelan, ikaw ang nagdala sa kanya rito kaya obligation mo siya." dagdag pa ni kurt. Pinagtutulungan ba ako ng dalawang hayop na'to?
"Isipin mo, kung ibang tao ang nakakita sa kanya siguro subra pa rito ang gagawin niyang tulong kaya sige na." ayan dagdag pa ni Rhitt. Ang kukulit nakakairita na talaga.
"AHH... nagtatrabaho ako para sa'yo, bilang kabayaran ng tulong mo sa'kin." kala ko ba ayaw niya, bakit nagbago isip neto?
"Sige na nga. Kapag nalaman 'to ni mom, lagot ako at pati kayong dalawa." Tinuro ko si Rhitt and Kurt pero pangisi-ngisi lang ang mga hinayupak.
"Chance mo na'to, Zelan" –Kurt.
"Anong chance?"