Halos pabalibag na ang ginawa kong pagsara sa bakanteng cubicle dahil sa sobrang pagmamadali na makasuka. Panay tubig at ang kinain kong pizza kaninang nag mirienda ang naisuka ko. Pinagpapawisan ako ng malamig at ramdam na ramdam ko ‘yon matapos akong makasuka. Napasapo ako sa noo at nanghihinang napaupo doon. May kung ano sa isip ko na nagsasabing kakaiba na ang nararamdaman ko pero mayroon din namang nagtutulak sa akin na baka lang malapit na akong datnan kaya ako nagkakaganito. Hindi regular ang monthly period ko at hindi ako sigurado kung daratnan ako ngayong buwan o sa susunod. Gano’n naman parati dahil pagtungtong ko sa college ay na-diagnosed ako na mayroong early signs of Polycystic Ovary Syndrome o mas kilala sa tawag na PCOS. Mabuti na lang at naagapan ‘yon at naging maayos d

