“Did you change your clothes, Kuya?” Napalingon din ako sa likod ko kung saan nakatingin si Kira. Naabutan ko si Gelo na palapit na sa gawi ng bungalow kung saan kasama ko sina Kira at Tickle na naghihintay i-serve ang dinner. Nagpahanda kasi sila ng maagang dinner dahil balak na mag-inuman pagkatapos kumain. Agad na umabot sa pang-amoy ko ang amoy ng shower gel na ginamit ni Gelo. Matapos kasi ang pangyayari sa public toilet cabin ay basang-basa s’ya ng pawis at halatang halata ‘yon sa polo na suot n’ya at saka lukot-lukot pa ‘yon kaya sinabi kong sa villa na s’ya dumiretso para magpalit at ako naman ay babalik sa bungalow para hindi magduda si Kira. Awkward naman kasi kung sabay kaming nawala at sabay na babalik at pareho pang nakapagpalit ng damit! Magiging masyadong obvious na ‘yon n

