Mabilis ang ginawa kong pagligo dahil nabasa ko rin ang ilang message ni Kira sa akin at pinababalik ako sa bungalow. Isang message pa ulit ang na-recieved ko bago ako lumabas sa kwarto. Kira: Where the hell are you? Don’t tell me pinagbawalan ka ni Kuya na uminom tapos s’ya ay makikipag-inuman kaharap ang ex n’ya? Tsk! Saglit na napatigil ako sa paghakbang palabas ng kwarto nang mabasa ang message ni Kira. Si Gelo? Umiinom kaharap ang ex n’ya? Nasa phone ko tuloy ang atensyon ko pagkalabas ng kwarto kaya hindi ko napansin ang dalawang babae na kasalukuyang papasok sa lobby. Agad na natigil ang pagbaba ko sa hagdan nang marinig ang pangalan na binanggit nila. “I think, LEF would hit really big this time now that Emporium is trying to reach out to them,” narinig kong sabi ng isang bab

