“Did you leave her there drinking alone?” Kahit nakapikit ako at nahihilo ay naririnig ko ang bangayan nina Gelo at Kira. Nararamdaman ko pa rin na para akong hinehele kaya alam kong karga-karga n’ya pa rin ako habang naglalakad pabalik siguro sa villa. Narinig ko ang eksaheradang pagrereklamo ni Kira dahil sa tanong ng Kuya n’ya. “Look who’s talking!” bulalas ni Kira kaya naramdaman ko ang pagtigil ni Gelo sa paglalakad. “Mahal ko, we’re entering the villa. Lower your voice,” naririnig ko ang panunubok ni Damon na sawayin si Kira dahil kahit na hindi nagsasalita si Gelo ay alam kong iritado na s’ya sa pagsagot ni Kira ng pabalang sa kanya. Pilit na idinilat ko ang mga mata at hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Iritado ang mga mata ni Gelo habang kunot ang noong nakatingin kay Kira. “

