When everything in your life seemed perfect, you'll just hope that it would lasts. Ganoon nga yata ang nararamdaman ko ngayon. Lahat sa akin ay maayos. I never felt these contented in my whole life, ngayon lang. Ngayon lang... , na kasama ko ang mga anak ko at si Zeus. They were my everything. Napangiti ako sa naisip. Ano na naman kaya ang ginagawa ng mga 'yon ngayon. Kanina iniwan ko silang abala sa pagkukulitan kaya kailangan ko silang puntahan mamaya. "Handa na ba nanay yung mga pagkain sa labas. Baka po kasi magkulang." sabi ko habang pawisang naghahalo ng spagetti sauce. Kanina pa ako nagluluto at pawis na pawis na talaga ako. "Jusko kang bata ka. Oo nga. Subrang dami na noon. E konte lang naman ang bisita n'yo. Mga trabahante sa hacienda lang." sagot naman ni nanay sa akin

