"Sofia.. " tawag sa akin ni Zeus habang nasa kusina kaming dalawa. Kanina ko pa siya hindi pinapansin. Kahit na tawagin akong may attitude ay wala akong pakialam. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako dahil akala ko siya lang ang hindi manloloko sa akin ngayon. Ngunit pati pala siya ay niloko din ako. Sinulyapan ko siya habang inihahalo ang manok sa ginisa kong bawang at sibuyas kanina. Nagluluto kasi ako ngayon para sa aming hapunan. Ang mga bata naman ay inaasikaso ni nanay Belen kanina pa. "Please.. talk to me. Pansinin mo naman ako. What should I do? Tell me. " sabi niya habang hawak-hawak parin ang aking braso. Pinatay ko muna ang burner bago siya binalingan. Pinagtaasan ko siya ng kilay kapagkuwan. Nagmumukhang maamong tupa ang kanyang hitsura. Napakalumbaba at parang m

