Akala ni Niccolo natapos na nung gabing iyon ang pagsusungit ni Daniella kaya lang nung mga sumunod na araw ganun pa rin ang dalaga. Parang lagi itong may iniisip na malalim. Kahit nga nung sabihin niya na ipapasyal niya silang mag-ina ng weekend ay tumanggi ito. Samantalang dati naman ay excited ito. Niccolo’s POV Dahil Saturday at tumanggi si Daniella na ipasyal ko silang mag-ina, naisipan ko nalang na dalawin sila mga bandang 4PM. Inihimpil ko sa tabi ng kalsada ang kotse at binuksan ang gate, alam ko din naman ang password combination. Pupunta na sana ako sa maindoor nang marinig ko ang hagikhik ni Denielle na nagmumula sa side ng bahay so I decided na batiin muna siya. Natigilan ako nang makitang may lalaking nagtuturo sa kanya ng soccer. Napansin ko agad ang pagkakahawig nil

