Niccolo’s POV Late na akong nakatulog kagabi pero isa lang ang namutawi sa isip at puso ko- mahal ko si Daniella! Pupuntahan ko siya ngayon sa bahay niya para isabay na papuntang opisina. Napakunot-noo ako nang makitang may kotse sa garahe niya. Imbes na pumasok, tinawagan ko nalang siya. Agad naman siyang lumabas ng bahay. “Good morning!” bati niya saka sumakay na sa kotse. “Kanino yung sasakyan?” tanong ko nang andarin ko na ang kotse. “Kay Christian.” Mahina niyang saad. “Tumutuloy siya sa bahay mo?!” napalakas ang boses ko. “Hindi, sinusundo niya lang si Denielle para ihatid sa school niya.” Paliwanag niya. Bahagyang nagtagis ang bagang ko. Does that mean kasama nila ito kahapon nung pumunta siya ng school ni Denielle? 7:30 ang klase ni Denielle, alas nuebe na andun pa s

