Chapter 44 Morgan’s Pov HALOS gumuho ang mundo ko ng makomperma namin na si Nisse at ang mommy niya ang naaksidente. Panay ang iyak ng ama ni Nisse habang humihingi ng tawad sa asawa niya. Totoo ang sinasabi ni Kevin at yuna ay ang ina ni Nisse ang nawala. Kritikal parin ang lagay ni Nisse at inoobserbahan pa rin ang lagay niya. Habang ang ama ni Nisse ay inaasekaso ang bangkay ng asawa niya. Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Para akong nanlulumo ng malaman kong patay na ang mommy ni Nisse. Parang ang bilis ng pangyayari. Nakausap ko pa siya nong isang araw sa tapat ng bahay nila nang magwalis siya sa labas ng gate. Nag aalala ako kay Nisse dahil ayon sa mga doctor ay ihanda ang sarili kung ano man ang mangyari sa pasyente. Nakiusap ako na gawin ang lahat. Maubos na ang pera ko,

