Chapter 45 Morgan’s Pov AGAD kong inasekaso ang lahat ng mga dapat kong gawin sa kompanya ko. Nagulat pa si Mik ng makita niya ako. Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho para lang mabilis akong matapos. Ang cellphone ko naman ay naka abang lang sa gilid ng table ko. Baka kasi tumawag bigla ang nurse na kinuha ni Demetri na magbantay kay Nisse. Tahimik lang ako habang panay ang basa ko sa mga kontrata na inaabot sa ‘kin ni Mik. Pinepermahan ko lang dahil mamaya ay may ka meeting ako. Pinagdarasal ko na nga lamang na sana ay hindi siya tumuloy sa pagpunta dito. Ayaw kong matuloy ang meeting. Baka wala din akong maintindihan dahil ang isip ko ay nasa hospital. Inabot ko kay Mik ang panghuling kontrata na pinirmahan ko saka ako tumingin sa kanya. “Tapos na ba ang lahat?” Tanong ko sa kany

