Chapter 46 Morgan’s Pov HUMAHANGOS akong tumatakbo hanggang sa makarating ako sa room ni Nisse. Halos tinakbo ko upang makarating lamang ako agad. Binuksan ko ang kwarto niya at nakita ang isang doctor at dalawang nurse na nasa loob ng room. Ang akala ko ay nandito ang daddy ni Nisse. Ngunit wala siya. Ang alam ko kasi ay tatawagan siya ng mga nurse. Alam kong kinuha nila ang cellphone number ng lalaki. Inaasahan ko na nandito na siya dahil siya ang ama ni Nisse. Agad na tumingin sa ‘kin si Nisse ng makita niya ako. Yung puso ko ay ang lakas ng t***k. Ganito ako palagi kapag nakikita ko siya. Hindi ko alam nong una kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko. Wala na ang nakalagay sa bibig niya. Hindi katulad kanina na may nakalagay na maliit na hose. Tumingin din sa ‘kin ang doct

