Chapter 15 Nisse’s Pov NANDITO na ako sa school at hanggang ngayon ay hindi parin mawala sa isipan ko si Morgan. Napapanguso na lamang ako dahil naiintindihan ko na ang sinabi niya kanina. Ano kaya mali sa dress ko? Hindi naman masyadong sexy eh. Hindi naman kita ang dibdib ko kaya mas lalo akong naiinis. Minsan na nga lang ako magsuot ng dress, nasaway pa ng gurang na yun. Anong gusto niya.. dress na hanggang paa? Kaloka talaga ang lalaking yun. Nandito ako sa isang booth at nagbebenta ng lemon juice at cupcake. Kainis talaga ang nangyayari ngayong araw dahil ang booth pala ay nasa harap ng gate ng school. Sinong hindi mabwibwisit nito eh fresh akong pumunta sa school, tapos uuwi akong nagmamantika ang mukha dahil sa init ng panahon. May mga kasama naman ako. May mga nakalinya di

