Chapter 16 Nisse’s Pov PAUWI na ako sa bahay at pagod na pagod ako habang naglalakad papasok ng subdivision. Ayaw kong pumunta ng school bukas at gusto ko nalang matulog para makapag pahinga ako. Para akong zombie kung makapaglakad. Sayang naman ang outfit kong dress kong mukha akong tanga maglakad. Kainis talaga! Bahala na kung absent ako bukas. Ang mahalaga ay hindi ako pagod tulad na lamang ngayon. Ang sabi kasi ay may papalit sa’min sa tanghali. Pero namuti nalang ang mata ko kakahintay ay walang pumalit sa’min ni Chester. Kaya sinong hindi maiinis nito. Malapit na akong makarating sa bahay namin. Konti na lang ay makakauwi na ako. Bakit naman kasi pinaka dulo ang bahay namin eh. Pagod na nga ako sa school, pagod pa ako maglakad pauwi. Bwisit! Habang naglalakad ako ay nakita k

