Chapter 17 Morgan’s Pov KANINA pa ako pinagtatawanan ni Koa habang sinisimulan ang tattoo session namin dalawa. Ayaw pa niyang maniwala sa gusto kong ipa-tattoo dahil mukha daw akong nagbibiro. Ito ang unang beses na magpapa tattoo ako. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isipan ko pero gusto kong malamangan ang lalaking nagbigay ng doraemon kay Nisse. Hindi ko hahayaan na malamangan ako ng batang lalaking yun. Napatigil ako ng maisip ko ang bagay na yun. Putangina! Bakit ko ba ginagawa ‘to? Bakit gusto kong mag pa-tattoo? “Sigurado ka na ba sa trip mo sa buhay?” Tanong ni Koa sa ‘kin habang nakangiti. Tumikhim ako at tumingin sa ibang direksyon. “Sigurado na! Kailan ba ako nagbiro sa mga desisyon ko sa buhay.” Saad ko pa kay Koa. “Ngayon lang. Bakit sa dami-daming design ay

