Chapter 18 Nisse’s Pov HINDI AKO pumunta ng school kahit pa nga may event kami. Bahala na ang attendance. Pumasok naman ako kahapon at nagbenta pa talaga ako ng cupcake. Kaya ngayon ay hindi na ako pumasok pa dahil pagod na ako. Bahala sila sa attendance na sinasabi nila. Isaksak nila sa baga nila yun. Pahihirapan pa ang ibang estudyante tapos tatakutin sa pamamagitan ng grades. Akala ko pa naman may papalit sa’min sa tanghali pero wala din naman pala. Sino ba namang matutuwa. Habang iniisip ko yun ay nakaupo lang ako sa kama habang yakap-yakap ang malaking Doraemon na binigay sa ‘kin ni Morgan. Isa din kasi sa rason kung bakit hindi ako nakatulog ay dahil kay Morgan. Hindi mawala sa isipan ko ang ginawa niya sa aking labi. Kung ano-ano na ang posisyon na ginawa ko pero hindi talag

