Chapter 19 Nisse’s Pov SUMUNOD ako kay gurang dahil sa inimbitahan niya akong kumain sa bahay niya. Naalala ko nalang ang inihanda kong breakfast sa sarili ko pati na din ang kape ko ay nakalimutan ko na. Pero hinayaan ko na dahil mas importante sa ‘kin ang makasama kumain ng almusal si gurang. Nang makapasok ako sa loob ng bahay niya ay nakasunod ako sa likod niya. Ewan ko talaga sa gwapong gurang na ‘to dahil pasulpot sulpot lang talaga siya. “Anong almusal ang inihanda mo, kuya baby?” Tanong ko habang nakasunod sa kanya. Hindi naman siya sumagot hanggang sa makarating kami sa kusina. Nakita ko agad ang isang bilao na pancit. May kasama pang pandesal. “Naparami ang order ko ng pagkain. Kaya kumain ka.” Sabi ni Morgan saka naglakad sa upuan. Pinaghila pa talaga niya ako ng upu

