Gumabi na at di padin nagpapakita si Lera kay Sater. Kakain na sana sila pero hinihintay pa nila ito.
"Oo nga pala, ngayon ko pa lang napansin, si Bryant nga pala asan?" tanong ni Lexus na narinig naman ng lahat. Na alerto si Sater na nawawala din si Bryant.
"Andyan napala sila eh," sabi ni Jake na tinuturo ang direksyon nina Lera at Bryant na nagtatawanan.
Kumulo agad agad ang dugo ni Sater at napatitig ng masama sa dalawa.
Di pa nga naka upo ang dalawa ay umalis na agad si Sater na sobrang galit. Napansin ito ni Miena at nakasmile lang ito. Alam naman niyang walang ginawang masama si Lera at nag-over act lang si Sater.
Nakaupo na si Bryant pero napansin ni Lera ang pag alis ni Sater.
"Puntahan ko lang si Sater," sabi niya sa lahat especially kay Bryant.
"Mawawala naman siya," isip ni Bryant.
Pinuntahan nga ni Lera si Sater at nadatnan niya ito sa labas ng tent nila. Naguilty naman siya sa hindi niya alam na rason.
Nilapitan niya ito na kinkabahan. Alam ni Sater na papalapit na si Lera sa kanya pero may galit padin sa dibdib nito dahil kay Bryant na mismong kaibigan niya pero di naman talaga sila ganun ka close. Parang competitor friend lang sila.
Tumabi si Lera kay Sater at silang dalawa ang di nagsasalita at nakatingin lang sa baybayin.
"Sorry," pagbasag ni Lera sa katahimikan nilang dalawa. Pero parang walang narinig si Sater. Alam naman ni Lera na may galit talaga ito dahil hindi namamansin.
Umusog si Lera papalapit kay Sater at ini rest ang ulo sa balikat ni Sater. Kahit ganun na di padin pinansin ni Sater at bigla pa itong tumayo at pumasok sa tent. Si Lera naman nainis dahil nakarest ang ulo nito sa balikat ni Sater tsaka umalis kaya nabigla ito at natumba na pagilid.
Walang magawa si Lera at alangan namang suyuin parin niya na halatang ayaw sa kanya. Umalis nalang ito at nagpunta sa isang puno na malapit lapit sa tent nila at doun na naupo at nagisip isip.
Alam ni Sater na naging harsh na siya dito na wala namang ginawang masama. Ilang saglit na iniwan niya si Lera ay umalis ito dun at yon naman ang ikinagagalit niya na akala niya pumunta nanaman ito kay Bryant.
"Ano nakaya nangyari sa kanila? Baka bumalik nanaman sa pagkasweet nilang dalawa," isip ni Bryant habang nakatitig sa bonfire.
Nag 11:40 na at parang wala ng tao sa bonfire. Sinilip ni Sater, wala na ngang tao, pero wala pa din si Lera.
Naisipan niyang baka nakatabi kay Bryant atsaka na two piece pa yon. Dahil sa naisip nagmadali itong tumayo at nagpunta sa tent ni Bryant. Binuksan niya ito ng walang pahintulot kaya nabigla si Bryant.
"What the hell bro?!" sigaw ni Bryant na nabigla at naiinis kay Sater.
"Sorry, thought she was here,"paumanhin nito.
"Wait, who's she?" nag-tatakang tanong ni Bryant.
Sasabihin sana ni Sater na si Lera kaso baka si Bryant pa ang maka-hanap kay Lera. "My pet crab," sagot ni Sater atsaka sinara ang zipper ng tent ni Bryant na sasagot pa sana.
If she is not with him then where could she be?
Naglibot libot ito pero wala itong Lera na nakita. Hanggang sa sinisi niya na ang sarili. Bumalik ito sa tent para mag bihis at hanapin si Lera. Pero pagbalik niya nakita nga niya si Lera na nakaupo na natulog sa ilalim ng puno.
Nagguilty naman ito dahil ang ginaw sa labas tapos naka two piece lang ito. Nilapitan niya ito. Ang himbing yata nito ngayon.
"I'm sorry," bulong ni Sater kay Lera. Parang pagod na pagod ito kaya di na ito nagabalang gisingin si Lera at binuhat na agad.
Bibihisan niya sana pero parang manyak siya nun kaya kumuha nalang ng kumot at tinakpan ang katawan nito. Nakatitig nalang si Sater kay Lera at guilty na guilty sa ginawa.
"I'm such a horrible person," bulong ulit ni Sater. "And I'm sorry again," dagdag nito.
"Okay lang," sagot naman ni Lera na nakapikit. Nabigla dun si Sater. Gising pa kaya ito? O nanaginip lang at nag sleep talk.
"Talaga?" tanong ni Sater para maging sure.
"Oo, alam ko naman may kasalanan ako," sagot ni Lera sa kanya na nakapikit padin kaya akala ni Sater na nagloloko na si Lera.
"Are playing games, Lera?" paguusisa ni Sater.
"Masarap naman kasi ang candy kaya I feel you that steal in candy," sabi ni Lera. Dun na nalaman ni Sater na nagsleep talk ito. Nagsmile nalang si Sater na para siyang tanga katatanong tapos ang kausap pala nagsleep talk lang.
Hinila ni Sater si Lera papalapit sa kanya, hinalikan ang ulo tapos hinug. Ilang segundo, nakatulog na din ito.
***
Nagising si Lera na wala si Sater pati gamit niya at nagtataka kung bat siya nasa tent nila. Inakala nalang niya na baka pumasok ito dun at ulilanin na siya dahil di niya matandaan pero ang ikinababahala niya ay si Sater na galit sakanya.
Nagmadali siyang nagsuot ng T-shirt at short atsaka lumabas ng tent. Una niyang nadat nan si Bryant.
"Asan si Sater?" tanong niyang nagmamadali kay Bryant habang palinga linga sa paligid at sa bonfire pero walang makita.
"Umuwi na sila lahat. Saakin ka nalang daw sumabay," sabi ni Bryant. Napaisip naman si Lera na baka galit na galit na talaga si Sater sa kanya dahil iniwan na ito.
"Okay," munting sabi ni Lera sabay takbo. Masyado siyang na hurt sa ginawa ni Sater na iniwan na siya.
Napatulala si Bryant sa reaction ni Lera. "Hala patay ako. Biro lang naman yon," bulong nito sa sarili.
Sa pagtakbo ni Lera hindi niya mapigilang hindi umiyak. Hindi niya alam kung bakit basta ganun nalang ang feeling niya at di na nga makakita sa daraanan. Hanggang sa may nakabangga siya.
"Sorry," sabi ni Lera habang pinapahid ang luha.
"Why the hell are you crying and running so fast?" tanong nung lalaking nabangga niya which is ang amo niya. Di niya masyadong makita dahil sa araw.
"Sater?" tanong nito habang pinipilit na makita ang mukha ni Sater.
"Who else would I be?" tanong na sagot ni Sater. Hinug bigla ni Lera si Sater sabay iyak sa dibdib nito.
"Akala ko iniwan mo ako dun. Sorry kasi kahapon!" sabi ni Lera between her sobs. Ni return naman ni Sater ang hug.
"I would never leave you," sabi ni Sater sabay bitaw sa hug at pinahiran ang tears ni Lera.
"Sabi naman kasi ni Bryant na umalis ka na daw tapos sumabay na daw ako sa kanya tapos nawala din mga gamit mo," sabi ni Lera while sobbing.
"You should not listen to him. Atsaka ngayon alis natin, uuwi na tayo," sabi ni Sater.
"Ngayon?" tanong ni Lera.
"Now."
Sabay na silang bumalik sa tent pagkadaan ni Lera kay Bryant, dinilaan niya ito. Natawa lang si Bryant
Sabay na nilang niligpit ang tent at pati narin gamit ni Lera. Sa di pa sila umalis nagpaalam muna sila sa mga kabarkada.
"Hope to see you again, Ler,"sabi ni Bryant. Tumango naman si Lera.
Umalis na sila at ilang minuto lang ay nakaabot na din sa bahay nila. Nagpalit na ng maayos si Lera at dahil hindi sila nag break fast nagluto si Lera.
Habang nagluluto ito naramdaman niyang may tao sa likod niya pero alam nitong si Sater yon dahil sila lang naman dalawa ang tao sa bahay na iyon. Pero nang tumagal ay ang kamay nitoy nasa curves niya na to her stomach at parang binack hug na siya. Di na siya makagalaw sa kaba dahil wala na siyang maisip lalo na ang ulo nito ay naka rest sa shoulder nito atsaka ang paghinga nitong sobrang hot ay nadadama niya na. Feel niya na din ang lips nito na papuntang tenga niya.
"Yung niluluto mo nasusunog na," bulong ni Sater sa kanya sabay let go at kuha ng apple sa mga lalagyan ng prutas staka kagat. Dun palang siya natauhan.
"Ang itlog ko!" tarantang sabi nito habang inioff ang stove.
"Ngayon ko palang nalaman na may itlog ka," sabi ni Sater sabay tawa habang kinakain ang apple niya.
Nagsingkit naman ang mata ni Lera sa inis pero nga naman ang bilis ng karma nabilaukan ito katatawa at nagmadali kumuha ng tubig.
Kaya siya naman itong tumawa na.
"Ayan tuloy na karma," sabi Lera na nakatawa pa sabay handa sa itlog niya.
"Para fair," sabi ni Sater. "Tulungan na kita," sabi ni Sater na siyang kumuha ng mga plato.
"Aba si Sater tamad, tumulong," sabi ni Lera sa kanya.
"I dont want Lera my lovely forever to think I'm not worth it," sabi nito kay Lera na nakaupo na.
"Pangalan ko lang naintindihan ko," pagsisinungaling ni Lera kay Sater. May naintindihan naman siya at alam nito kung anong pinaparating ni Sater. Pero she's not for him.
"You'll know soon atsaka I'll return the tab after eating," sabi ni Sater at nabigla naman si Lera na nasiyahan.
"Talaga?" tanong ni Lera.
"Oo. As long as you stay with me," sabi nito na tinataas baba ang kilay.
"Deal," sabi ni Lera at nagmadaling kumain.
*****