Binalik na nga ni Sater ang Tablet at parang into it naman si Lera or di lang nakikita ni Sater na paminsan minsan ay naglalaro ito.
2 weeks na ding nanunuod ng grammar tutorial si Lera at kahit papano ay naiimprove na ang grmmar nito.
"What would be the perfect thing to do today?" tanong ni Sater kay Lera habang naupo ito sa gilid ni Lera.
"I don't know," sabi ni Lera na panay ang panunuod ng grammar toturial.
"I forgot," sabi bigla ni Lera na ikinabigla ni Sater. "Yung mga halaman sa labas kelangan ko pang diligan," dagdag ni Lera habang papatayo pero pinigil ito ni Sater.
"I did the job," sabi nito. Sater has been changing his attitude and all dahil kay Lera. He wants her to feel na worthy siya.
"Para na akong hindi maid niyan," sabi ni Lera kay Sater. PNapa frown namam si Sater sa sinabi nito.
"You're more than just my maid, "sabi ni Sater na nakatitig kay Lera.
"More," sabi ni Lera na nakatitig din kay Sater.
"Yeah more. l love you more than anything," sagot ni Sater sa kanya habang hinihila nito si Lera papalapit sa kanya. Di na niya maiwasang di masabi ang nararamdaman para dito.
Nagsmile lang ito at kahit ganun alam ni Sater na para siyang tanga kasasabi ng feelings niya sa taong di naman magsasabi ng I love you too. But he cant afford to lose her. He never meant to love her. And now his love gets deeper and deeper every mili second.
"Smile," di padin maiwasang di siya masaktan ng kaunti. Parang siyang yelo na ayaw matunaw kahit ang init na.
"We're never meant to be," bulong ni Lera sa kanyang sarili.
"Ano yon?" tanong ni Sater.
"Wala naman, ang sabi ko malapit na ang first sweldo ko atsaka mapapadala ko na kina mama ang pera," pagsisinungaling ni Lera.
"Oo nga naman...atsaka malapit na din matapos bakasyon ko," sabi nito at napabuntong hininga.
"Ano ka ba, mas gusto ko pa nga magaral! Pasalamat ka nga swerte ka na nakakapag aral eh," sabi ni Lera kay Sater para ma change na ang topic nila.
"May inspiration naman ako eh,"sabi ni Sater sabay tingin kay Lera na naka smile din. Binatukan ni Lera si Sater.
"Inspiration ka jan!" sabi nito sabay tayo.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Sater.
"Saan pa edi E cha charge ang tab mo baka di na mag on," sabi nito kay Sater. Kinuha niya ang Tab at chinarge na nga.
Kinagabihan ay napagpasyahan ni Lera na tumawag sa Nanay nito.
"Hello, ma?" tanong niya.
"Oh, Lera kamusta ka na. Hindi ka na nagpaparamdam ah," sagot ng nanay niya.
"Mama naman. Mahal ang bayad ng load ngayon anoh. Atsaka ma may problema ako," sabi nito sa mama. Nagulat naman ang nanay nito at kinabahan na baka sinasaktan na ang anak nito.
"Ano yon? Sinasaktan kaba nila jan? Buntis ka?" kabadong tanong ng nanay ni Lera.
"Di naman ma! Nagkakagusto na kasi ako sa Boss ko," sabi niya sa kanyang ina. Nabigla naman si aling Genna sa balita ng kanyang anak.
"Diyos ko po! May asawa ba yang boss mo? Anak naman wag ka naman sanang pumato--"
"Ma naman grabe oh! Ganun ba ka babaw ang tingin mo sakin? One year older lang saakin noh atsaka napa ka bait nito," sabi ni Lera at di naman siya nagsisinungaling dahil mabait naman talaga si Sater eh.
"Ay! Ganun naman pala eh pero anak... alam mo naman na iba ang mundo natin sa kanila diba? Atsaka ang love--"
"Alam ko po yon nay! Ang Love ay di na uso sa panahon ngayon," sabi nito.
"Pero bakit ako nay nafefeel ko?" dagdag nito sa nanay.
"Ikaw ang bahala anak basta andito lang ako kapag kailangan mo ako at alam ko namang malaki ka na para magdesisyon diba? Pero huwag muna yong mabubuntis ka anak ha!" sabi ng ina nito na di padin mapakali.
"Oo naman nay! Gusto ko lang na walang tinatago sa iyo," sabi nito.
"Pero kung sakaling kayo nga ang magkakatuluyan...ipakilala mo ako ah," sabi ng nanay. Natawa naman ito ng bahagya.
*****
Naisipan ni Sater na bumaba para puntahan si Lera sa baba kung natutulog naba talaga ito o hindi pa.
Pagkababa niya naririnig niya ang tinig ni Lera na parang nanggi giggle sa kilig kaya nakinig siya sa labas.
"Geh na, matutulog na ako beh," rinig ni Sater.
Kumulo agad ang dugo nito, at napaisip, kaya ba hindi nirereturn ni Lera ang pagmamahal dahil may mahal itong iba?
"I love you too, ingat," muling rinig ni Sater. Hindi na niya maiwasang hindi magalit at binuksan ang kwarto. Ang mga salitang yun, yun ang hinihintay niya na masabi ni Lera para sa kanya pero asan niya sinabi? Sa IBA...
Nabigla si Lera sa biglaang pag bukas ng pinto at lalo na nung ang imahe ni Sater na galit ang nakadisplay. Hala! Wala naman akong ginawang masama ah bat ganyan nalang ang mukha ni Sater.
"Uh, may kailangan ka?" tanong ni Lera kay Sater na kabado.
"Ikaw," sabi ni Sater na nilapit ang sarili kay Lera at nakatitig sa mata nito.
Nakahawag ng mahigpit si Lera sa kanyang cellphone atsaka naka rest na ang likod sa wall.
"Uh, m-may problema b-ba?" pag stutter ni Lera dahil sa kaba at sobrang lapit ni Sater sa kanya na she could feel his breath.
"Who were you calling?" seryosong tanong ni Sater sa kanya na inches away lang ang mukha atsaka naka titig pa kay Lera.
"S-someone," tanging sabi ni Lera dahil wala itong maisip sa kaba at sobrang lapit pa ni Sater.
"Be specific," sabi ni Sater na naniningkit na ang mata at inilapit pa ang mukha hanggang sa ang mga ilong ay nagkabangga na.
Hindi naka sagot si Lera kay Sater dahil sa sobrang lapit ni Sater sa kanya...staring at her lips and she cant understand why she couldn't move.
"Pag di ka nakasagot in three seconds, I will not hesitate to kiss you,"
"One"
Di padin nakasagot si Lera.
"Two"
Wala na itong magawa.
Nakikita na ni Sater na wala na si Lera sa sarili nito kaya di na nagsayang ng oras si Sater sa pagsabi ng three, hinalikan na nito agad si Lera.
Nanlaki ang mata ni Lera na mainsert sa kanyang utak na hinahalikan siya ni Sater.
Ilang sandali na pagkawala sa Sarili. Mas naging pangahas si Sater at lumalim ang halik.
NO!nWARNING BELL! DI NA TO PWEDE!
Kinakalaban niya ang pakiramdam na yon.
Unti-unting napapikit ang mata ni Lera at hinayaang lumalim ang halik. Nagsimulang kumilos ang mga labi ni Lera, rhyming Sater's lips, savouring the sweetness of a thing called kiss with love.