AMDE-04

1534 Words
Nakababa si Sater mga 20 minutes pass 8 at nabigla nalang nung makita niya ang maid niya na nakalapag sa sahig. "Ano ginagawa mo jan?" tanong ni Sater na sobrang nagtataka. "Kahapon, diba nawala ang singsing mo sir? Hinahanap ko," sagot ni Lera kay Sater at ipinagpatuloy na mag hanap. "Wag mo na hanapin, bahala na yon," sabi ni Sater. "Di ba yon mahal?" tanong ni Lera. "Hindi, kaya tumayo kana at kumain na tayo," sabi nito at ini-offer kay Lera ang kamay. Pagkakita ni Lera sa kamay ni Sater naisip nitong para siyang school girl na binully at tinutulungan ng isang gwapong rescuer niya. "Ayaw mo? edi wag bahala ka jan sa sahig," sabi ni Sater dahil titig lang ng titig si Lera sa kanyang kamay. "Tatayo na," sabi ni Lera. Sayang ang kamay,isip nito. Naghanda na si Lera at kumain na sila, wala pading nagsasalita. AWKWARD  Hanggang sa tumunog ang telephone. Nagtinginan ang dalawa kung sinong sasagot. "Ako nalang," sabay nilang sabi pero si Sater ang mas malapit kaya siya nalang ang sumagot. "Hello?" "Yeah, it's me" "What do you mean?" "Fine, when?" "You mean today?"  "Okay see you there," sabi nito. Nag hang-up at bumalik sa hapagkainan. "Pack your things. We're going to the beach for 5 days and 4 night stay," sabi ni Sater. "Me? On beach?" tanong nito at nabigla sa sinabi ni Sater. "Kasasabi ko pa nga lang," sabi nito. Di na nakinig si Lera nag daydream na ito. "Lera! Lera! Tapusin mo na yang pagkain mo at ngayon ang alis natin," sabi nito. "Agad agad?" di makapaniwalang tanong nito. "Oo, kaya bilisan mo na jan." "Tapos na ako," sabi nito na nakangise kahit nangangalahati pa ito sa pagkain excited na kaya naman sinabing tapos na. "Iligpit mo na yan at magimpaki ka na," sabi nito tsaka umalis. Nagligpit ito, pagkatapos ay nagimpaki ito at inilagay sa kanyang bayong. Paglabas niya'y nakita agad niya si Sater. "Yan? Wala ka na bang ibang bag?"sabi nito. "Wala na po," sabi nito. "Lagay mo nalang mga damit mo sa bag ko. They might think lola kita," sabi nito at binuksan bag niya. "Di ba parang awkward yon?" tanong ni Lera pero walang paki alam si Sater sa mga bad thoughts ng iba. "Wala akong paki," sabi nito. "Bilisan mo na," pahabol pa nito. Nilagay na ni Lera ang damit niya dun dahil ito ang utos ng magaling niyang boss. "Ako nalang magdadala ng bag," sabi ni Lera na kukuhanin sana ang bag. "Ako na, mabigat to," sabi ni Sater. "Halika ka na nga," dagdag nito. Nagbackpack na si Sater. Napansin nitong nakatunganga padin si Lera kaya hinawakan nito ang kamay ni Lera at hinatak palabas ng bahay. Oh my! Ang haba talaga ng hair ko. Nahawakan ko na kamay niya, kinikilig na isip ni Lera. Nabigla nalang si Lera ng makita ang isang sports car sa labas at ang ganda nito. "Sayo ba to, Sir?" tanong ni Lera na di makapaniwala. "Oo, sakay na,"sabi ni Sater na binuksan ang front seat para makasakay si Lera. Hinawak-hawakan niya pa ang kotse bago umupo. Umikot naman si Sater at pumunta sa drivers seat. Pinaandar niya na ito at nag sunglasses. Napansin niyang nakatitig sakanya si Lera. "Want it?"tanong ni Sater na hindi inaalis ang tingin sa daan. "Ano po?" tanong na sagot niya. "Try mo ang sunglass," sabi ni Sater at ipinara muna ang sasakyan. "Wag na, di naman yan bagay," sabi ni Lera pero gusto ni Sater na nakasuot ito ng glass kasi may plano ito. Walang nagawa si Lera kaya sinuot niya ito. Kumuha naman ng bagong sunglasses si Sater at sinuot ito. "Okay na?" tanong ni Sater. Nag thumbs up lang si Lera. Payapa ang kanilang biyahe. Nakababa na sila at naglakad. Akala naman ni Lera na sila dalawa lang ang mag be-beach pero nga naman, expect the least. May anim na tao pa pala. Mag-nobya ang dalawa tapos yong apat barkada na siguro. May five tents na at may isa silang dala. "Ey! Bro! Good thing you came," sabi ng lalaking blonde ang buhok which is Bryant. "Yeah, I know," sabi ni Sater.  "And who is this mademoiselle beside you?" tanong nito at tumingin kay Lera. Takang taka naman si Lera kung bat siya tinitignan nito. "None of your business," calmadong sabi nito. Si Lera naman walang ka alam alam kung anong mga pinagsasabi nila. "Chill bro, ain't stealing her," depensa ni Bryant na nakataas ang kamay. "Nice to meet you," pahabol ni Bryant sabay tingin kay Lera. "Yeah," munting sabi ni Lera na nakuha sa unang sabi ni Sater. Pagkatapos nun inakbayan ni Sater si Lera showing She is His. Naglakad silang tatlo patungo pa sa iba. Nagkamustahan sila. "Lera si, Kyle, Jake, Ryle at kanyang nobya na si Meina, Lexus at si Bryant," pakilala ni Sater at nag ka kilala na nga except nga lang na English ang lahat at siya lang ang Out cast. Dumating ang Gabi at nag camp fire sila nagpasya silang bukas na sila maliligo. Pinalibutan nila ang bonfire, nagkatabi si Lera at Sater. Sa gilid naman ni Lera ay si Bryant na ayaw ni Sater. Kumuha ng guitar si Kyle at nag jam na sila. Di parin nagsasalita si Lera dahil nosebleed na nosebleed na ito sa kanila which is alam naman ni Sater.  Since di naman naguusap si Lera at si Sater napag tyempuhan ni Bryant na kausapin si Lera. "So, kamusta ang ship nyo?" tanong ni Bryant. Akala ni Lera na ang ship na tinutukoy ni Bryant ay ang byahe nila. "Okay lang naman, mahangin nga eh," sagot naman ni Lera sa kanya. "Anong mahangin?" nagtatakang tanong ni Bryant. "The one with the wind that strong," sabi ni Lera na nakukulitan kay Bryant. Natawa lang si Bryant sakanya. Kaya pala di nagsasalita, isip ni Bryant. "Wag mo nalang intindihin yon. Uhm so uh I'm Bryant but you can call me Bry or kahit ano," sabi ni Bry sabay kindat sa kanya. Halata namang di siya gusto ni Lera. "Lera." Sabay shake hands ng dalawa. Napansin ito ni Sater kaya tumayo ito. "Hey bro, where you going?" tanong ni Jake kay Sater. Silang lahat nagtataka kung bat siya tumayo. "Change position," sabi niya sabay tingin kay Lera. "Palit tayo ng pwesto." Nagulat naman si Lera sa expression niya. Nagpalit na nga sila kaya naman wala ng chance si Bry. "I don't want ANYONE stealing my Girl," sabi ni Sater na binigyang diin ang Anyone na word sabay akbay kay Lera. Nagulat naman si Lera sa kanya ,kaya napatingin ito kay Sater. Alam naman ni Sater na walang magagawa si Lera. Baka pag di siya tumugon sa gusto ni Sater, itatapon siya nito sa dagat o di kayay ibabaon sa white sand ng buhay kaya ngumesi nalang ito ng fake. Nagpalakpakan ang mga barkada niya except kay Bryant na alam na siya ang tinutukoy ni Sater. Natapos ang kanilang bonfire kaya nag pasyang matulog. Isa lang ang dala ni Sater at Lera na tent. "Pano na yan? Isa lang ang tent? Dito nalang ako sa labas," sabi ni Lera kay Sater na naka smile at mukhang cherry pa. "Are you out of your mind? I ain't letting a girl sleep out when I'm inside," sagot naman ni Sater at di maka paniwalang ganun nalang ka akala ni Lera na hindi siya gentle man.  "uy my brains are my head inside. Atsaka isa lang kasi ang tent. Ang sama naman tingnan kung amo pa ang nasa labas diba, sir?" sabi ni Lera. Mas lalong di nasiyahan si Sater sa sagot nito kaya lumapit ito kay Lera. As in one step nalang ang pagitan. "Di mo ba naiintindihan? Ikaw ay akin while we're in the beach. Sa isang tent tayong Dalawa ang magsasama," seryosong sabi ni Sater. Kinilabutan naman si Lera kay Sater. Parang naging demonyo yata si Sater. Baka paggising ko buntis na ako! Diyos ko, wag naman sana, isip ni Lera. "Ngayon ko palang nalaman," sabi ni Lera na kinikilabutan. "Good," sabi ni Sater na naka smirk na.  "Sater, uhm punta muna ako dun sa ano yung may dun oh sa baybayin. Susunod ako pagkatapos kong mag ano yung ano uh--" "Alam ko na inaantok ka na, kanina mo pa pinipilit na ibukas mata mo, " sabi nito at hinila si Lera. Nagpout naman si Lera. Ang galing ko kasing magsinungaling, isip ni Lera. Pumasok na ito at nagpasyang magpa sulok. "Dito na muna ako sa labas. Matulog ka na, babantayan kita...baka may umagaw pa," sabi nito na pinahina ang last four words. "Okay, good night Sater," sabi nito at nag pikit ng mata. "Night." Ilang sandali at nakatulog na ito. Inaantok na din si Sater kaya pumasok ito. Pinagmasdan nito si Lera at napangite nalang. Ang himbing nito matulog.  Nahiga na si Sater sa tabi ni Lera. Ilang sandali pa nga lang humarap sa kanya si Lera atsaka ang paa ay ipinatong sa kanya. "Kala ko di ka malikot pag natutulog, mali ako. Ang gandang plano nito. To know you better," sabi nito sabay haplos sa mukha ni Lera. Inaantok na ito kaya hinug niya nalang si Lera. Si Lera naman na baka gininaw umusog patungo sa dibdib ni Sater. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD