Pagkatapos nilang kumain ay nangungulit nanaman si Lera kay Sater na turuan na ito.
"Maya nalang kasi! Mag install ka na lang ng English grammar na app sa Cellphone mo tutal may WiFi naman dito sa bahay," sabi ni Sater sa kanya.
Napag-isip naman si Lera. Pwede pala yon sa Cellphone niya at pano ba yon gawin?
Kinuha niya ang cellphone niya (picture being shown) (Nokia 3310)
"Sater, paano ba ito?" tanong niya. Pagkakita ni Sater di niya maiwasang di tumawa ng malakas. Akala niya android ang cellphone nito dahil updated na ang mga tao sa inaakala niya.
"Ano ba naman yan Lera? Pati ba naman cellphone mo hindi updated?"natatawang tanong ni Sater.
"Ang hirap kaya ng buhay,"sagot nito.
"Atsaka hello kitty pa. Saan mo yan nabili?" tanong ni Sater uli.
"Nangangailangan ng pera yong kapitbahay namin sa probinsiya kaya ipinagbili saakin," proud na sabi ni Lera.
"Its so boring. Wala namang mga apps at games na cool yan," sabi ni Sater.
"Para malaman mo sir may games ito! May rapid roll at snake pa. Ako nga ang highest score eh," sabi nitong nagmamalaki.
"My head be aching," sabi ni Sater at nang ma alaala na di naman niya ginagamit ang android tablet niya nagpasya na yon nalang ipagamit.
Na-upo si Lera sa upuan na nakayuko. Akala ko pa naman this my chance to say English. Hindi pa pala.
"Ito nalang gamitin mo. Tuturuan kita paano yan gagamitin," sabi ni Sater habang iniabot ang android tablet. Kinuha niya ito at na shock.
"Ang laki naman nito, Sirter," sabi nito. Hindi pa niya ito nakita ah! May malaki palang touchscreen na Cellphone? Ang galing.
Tinuruan si Lera ni Sater kung paano yon ma on at kung saan ang music, camera, gallery, at inexplain kung ano ang gallery at iba pa. Napag-pasiyahan nilang dalawa na sa YouTube nalang siya mag aral.
Binigyan siya ng papel at pen ni Sater para maisulat niya ang mga importanti. Para tuloy itong batang nagaaral.
Pinabayaan ito ni Sater dahil parang seryoso na ito. Umakyat ito sa itaas at naglaro sa play station. Nang mag iisang oras na napagpasyahan ni Sater na silipin si Lera kaya bumaba ito.
Di nito inaasahan ang nakita. Di na pala nagaaral kundi naglalaro na ng temple run at tuwang tuwa pa ito.
Akala ko ba magaaral tong babaeng ito? Hay nako.
"Masaya maglaro ng temple run ano?" tanong ni Sater na nasa likod ng inuupan ni Lera.
"Oo, ang rami ko ngang nakuha nitong parang piso na kulay dilaw," sabi nito. di man lang napansin si Sater ang nagtatanong.
"Uh huh. Paano na ang pagaaral ng English?"tanong ni Sater at alam nito na na occupy na ang utak ni Lera sa laro na di na nga kilala sino ang kinakausap.
"Marami pa namang oras para dun eh. May bukas pa," sabi nito. "Atsaka, wag ka muna magsalita. I focus here in games,"pahabol nito dahil malayo na ang natakbo nito.
"Talaga lang ah," sabi ni Sater at bigla namang sumigaw si Lera.
"Ang kulit mo! Parang kang langaw! Ayan tuloy me dead!" sigaw nito kay Sater ng dirediretso at nang makita niya mukha ni Sater feel niya nagdilim ito. Nan-laki ang mata ni Lera.
"Sir, sorry nadala lang ako sa laro,"paumanhin ni Lera.
"Akin na ang Tablet," sabi ni Sater habang nasa himpapawid ang kamay.
"Sater sorry na. Hindi ko naman intensyon yon eh. Please give me chance one more," sabi nito na naka pout.
"No," simpleng sabi ni Sater at iniwan na siya sa sala.
Ang tanga ko talaga. Nagka-chance ka na pinakawalan mo pa. Atsaka ginalit mo pa ang mabait mong boss, isip ni Lera. At namuo ang luha sa mga mata.
Hindi pa bumaba si Sater para maghapunan at nagdalawang isip naman si Lera kung pupunta siya sa taas para tawagin ito na kumain na.
Ilang minuto na siyang naghintay pero wala paring Sater na lumalabas. Nagdadalawang isip parin ito kung pupuntahan ba niya si Sater.
"Wag ko nalang puntahan baka pagalitan pa ako. Ako nalang unang kakain," bulong nito at pumunta sa kusina para kumain na.
"Ang tagal niya naman akong tawagin para kumain," naiinip na sabi ni Sater habang bumabangon sa pagkahiga.
Wala ba yong balak tawagin ako. Baka di yon nagluto. Nagugutom na ako. Walang magawa si Sater kundi ang bumaba dahil tumutunog na ang tiyan nito.
Nang makababa ito, pumunta agad ito sa kusina at laking gulat nalang ng nakita ang maid niyang kumakain na. Umupo ito sa harap ni Lera at nagkibit balikat.
"Wala ka bang balak magtawag?" tanong ni Sater. Napatigil sa pagkain si Lera at yumuko.
"Pasensya na baka kasi magalit ka pa kung pupunta ako sa kwarto mo o di kaya'y sabihin mong makulit ako," sabi ni Lera na nakayuko padin.
"Sige, patatawarin na kita," sabi ni Sater. Nabuhayan naman si Lera. "Pero di ko na ipahihiram ang tablet ko sayo," pahabol ni Sater at para naman itong namatayan.
"Kala ko naman ibabalik niya yon," bulong ni Lera sa sarili.
"Ano yong binubulong mo?" tanong ni Sater sa kanya. Bigla namang nagchange expression si Lera na halatang fake.
"Ay sir you eat now at baka maubos ko to lahat," sabi nito kay Sater. Binigyan niya si Sater ng plato, kutsara, tinidor at hinandaan niya.
"Thanks," simpleng sabi ni Sater sa kanya.
Wala ni isa sa kanilang dalawa ang gustong magsalita o kaya'y nagsasalita. Hanggang sa natapos nalang sila. Habang naghuhugas ng pinggan si Lera si Sater naman ay nasa sala, nanonoud ng tv.
Pagkatapos manghugas naisipan niyang umiwas nalang kay Sater at sabihing tawagin nalang siya kung may kelangan.
"Uhm, Sirter tawagin niyo nalang po ako kung may kailangan ka," sabi nito at nang tumango si Sater ay tumungo ito sa kanyang silid. Kinuha niya ang Cellphone at tinawagan ang Inay niya.
I think I'm being rude to her. Siya naman may kasalanan nun, or is it me? Bahala na siya, ako naman ang boss at maid ko lang siya.
Ugh Iinisin ko nalang yon. Di ako mapakali, isip ni Sater dahil di na ito nakakafocus sa pag tingin sa palabas.
Lumakad ito at nang nasa harap na ng kwarto ni Lera. Kakatok na sana ito pero naririnig itong may kausap. Naka loud speak pa cellphone niya.
"Okay ka lang ba talaga anak? Di ba masama amo mo?"sunod sunod na tanong ni Aling Genna. Di maiwasang di-makinig ni Sater.
"Okay lang ako ma. You knew I never make happen me get hurt," sagot nito sa ina at natawa ang ina. Kahit ba naman sa ina niya, nage-english ito, isip ni Sater.
"Di ka padin nagbabago," sabi ng Ina.
"Ako pa! Me not change. Nga pala nay paki sabi sa mga kapatid ko na wag mag alala makakapag aral sila sa pasukan," sabi nito.
I know she is a good person, isip nanaman ni Sater habang nakangite.
"Mag-ingat nalang kayo ma ah. Last na ito na pantawag ko. Papaload ako pag sweldo na at padadalhan kita. Magpapatulong ako kay Boss," paalam nito sa ina.
Matapos magusap ay naisipan niyang uminom muna ng tubig.
Si Sater akala niyang nagtatawagan parin sila ng ina nito at nakadikit ang tenga sa pintuan habang si Lera naman binuksan ang pinto at nakita si Sater.
Mabilis na naka palusot si Sater.
"Asan naba yong bwesit na sing sing na yon," palusot ni Sater habang nagpa-panggap na naghahanap.
"Gusto mo tulungan kita, sir?" tanong ni Lera na di man lang napansin na nagpapanggap si Sater.
"Wag na, makikita ko siguro yon bukas. Salamat nalang, goodnight!" sabi nito tsaka nagmadaling umakyat patungo kwarto niya.
"Kaiba yata ang Sir ngayon,"bulong ni Lera sa sarili. "Bahala na siya"