Yhanie's POV Oh, my fùcking God! Makikita lang naman sa picture ang lalaking kasama mo kagabi na nasa bahay na namin ngayon, at katabi si papa. Nakaupo sila sa dining table namin, at nagkakape sila habang nakain ng biko. Gusto ko sanang himatayin sa nakikita ko kaso no time, dahil tama si Harper kailangan na talaga namin umalis, at baka madulas si Ryker na magdamag kami magkasama buong gabi kaya tuluyan na kong tumayo. "Yung bag ko!" Natatarantang sabi ko dahil bakit hindi ko makita. "Yon oh!" Turo naman ni Harper nasa dulo lang ng sofa pero parang nabulag ako na hindi ko makita pagtayo ko. Dinampot ko na may pagmamadali sabay niyaya ko na si Harper. "Oh, tara na!" At halos patakbo na kong naglakad papunta sa main door pero napa-stop ako sa sinabi ng pinsan ko. "Jeez, Yhanie, ano

