Ryker's POV Pagkatapos kong maligo ay lumabas na ko ng kwarto, at naabutan ko si Rylan, at Melanie nakaupo sa may sala. Biglang tumayo si Rylan, at hinanap si Yhanie. "Nasaan si Yhanie, tsaka bakit parang bihis na bihis ka ngayon? Aalis kayo?" sabi niya pagkatapos niyang pasadahan ang kabuuan ko. Ang kanyang noo ay nakakakunot na naman kahit pa nalinisan, at na-disinfect ko na ang buong kwarto niya. Nakapang-alis kasi ako na which is hindi siya sanay dahil parang mga isang taon na rin ako'ng palaging nandito sa bahay, at napakabihira lumabas, kapag kailangan lang talaga. Simula kasi ng mag-start ang work from home set-up ko ay parang tinamad na ko sa paglabas-labas. Kung minsan nga sinusundo pa ako dito ng mga tropa ko na sumama sa lakad nila. "Wala na si Yhanie Babe, nagmamadaling u

