6. Let Me Taste Those Lips

1439 Words
Charlie's POV Dahil nga bandang hapon na ang supposed to be na kasal ni Christian James ay expected na aabutan kami ng gabi sa paglalakad, at pagkatapos ng mahabang lakarin ay sa wakas nakarating din kami sa secret cabin namin ni tatay pero ngayon ay hindi na ito secret, dahil dinala ko na dito si Christian James. Hindi bale, after kong makuha ang limang milyon na ibabayad nila sa akin ay wala na naman ako'ng balak pang bumalik dito. Sa tagal kong hindi nakapunta sa may secret cabin ay medyo nakalimutan ko na ang daan kaya buti na lang pala ay naglagay ako ng tanda sa may puno na letter L, and it means left kaya hindi rin naman kami naligaw. Sa tingin ko naman ay wala pa namang ibang nakakadiskubre ng lugar dahil nakalagay pa din ang kandado sa may pintuan ng pinailawan ko gamit ang aking flash light. Grabe talaga ang takot ng mga tao sa kagubatang ito hanggang ngayon ay naniniwala pa din sila sa mga sabi-sabi na wala namang ebidensya. Ilang beses naman kaming nagpabalik-balik ni tatay dito noon pero wala namang nangyayaring masama. Pinahawakan ko kay Christian ang flash light na hawak ko, at kinuha ko sa likod ng bulsa ng pantalon ko ang susi, at isinuksok ko na sa kandado para mabuksan, sakto naman biglang kumulog ng malakas. Ano ba namang panahon 'to ang ganda ng timing mukhang uulan pa ng malakas ah. Nang maalis ko ang nakakandenang kandado sa pintuan ay muli kong kinuha sa kamay ni Christian James ang flash light, bago ko pihitin ang pinto para mabuksan. Pumasok na kami sa loob, at masasabi ko na wala pa talagang ibang nakakadiskubre ng cabin na ito, Agad kong hinanap ang rechargable camping light na meron kami, sa tagal kong hindi pumunta dito, sigurado ako na-drain ang charge nu'n pero walang problema dahil may dala naman ako'ng mga power bank pero sana lang ay gumana. Nakita ko naman 'yun agad na nasa ibabaw ng lamesa. Inalis ko na ang bagpack ko sa aking likuran, at ipinatong sa mesa, binuksan ko, at kinuha ko ang isa sa dalawang power bank na dala ko, at agad isinaksak ang rechargable camping light, umilaw naman ng red kaya ayos pa nagana pa kay ini-on ko na. ay yun nagkaroon na kami ng ilaw dito sa loob ng cabin, ini-off ko na ang flash light since may source of light na kami. At dahil maliwanag na kita na namin na halos mapuno na ng alikabok dito sa loob, open space ang disenyo ng cabin ito kung saan kita na ang lahat, magiging kumportable naman siguro ang pag-stay namin dito dahil may kusina, banyo at kama. Binuksan ko ang dalawang kahoy na chest box na nasa may isang sulok para silipin kung naroon pa din ang mga stock supply na itinago namin noon. Yung isa ay ang mga nakalagay ay mga sapin, kumot, at mga damit, at ang isa naman ay supply ng mga pagkain, makikita sa ibabaw ang mga ilang piraso ng mga delata, noodles, biscuit at mineral water bottles. Okay, ayos ang supply namin, marami pa nga yan, hindi naman kami magtatagal dito. Isinara ko na ang box ng bigla naman siyang nagsalita. "Sabi ko na nga ba eh hindi mo ko matitis, alam kong dadating ka, mahal mo pa rin talaga ako!" Ang nakangiting sabi niya sa akin, at parang may pagkislap pa sa kanyang mga mata. Kitang kita ko ang mukha niya dahil nasa tabi siya ng lamesa kung saan nakalagay ang rechargable lamp. Hindi naman ako natutuwa sa mga sinabi niya pero natatawa ako. What the fùck?! Ano'ng pinagsasabi niya. Hindi ako dumating dahil mahal ko siya, dumating ako sa ngalan ng limang milyong piso. Naglakad ako palapit sa kanya, at ng makapalapit na ko sa kanya ay nagpakawala ako ng malakas na pekeng tawa sa pinagsasabi niya. He is such a fùcking delùsional spoiled prick! Wala pa rin pagbabago. Mayabang. Feeling niya lahat ng kababaihan ay may gusto sa kanya. "Kaya ako dumating dahil kinausap ako ni Tope, inalok ako ang kapatid mo ng trabaho, at sinong tanga ang tatangi sa limang milyon na offer niya!" Ang sagot ko para ipamukha ko sa kanya na pera ang dahilan ko sa ginawa kong pagligtas sa kanya. "What do you mean?" Ang tanong niya na may pagtataka, at ng dahil sa itsura niya ay parang nagtaka din ako. Kaya pala panay ang tanong niya sa akin kung saan pupunta. It means wala siyang alam sa mga nangyayari. "Hindi mo ba alam?" Ang seryosong tingin, at tanong ko sa kanya. Umiling-iling naman siya, at seryosong tumingin sa mga mata ko. Fùck! Mukhang naisahan ako ni Tope, naisahan ako ng bansot na kapatid niya. Bigla naman siyang tumawa ng malakas ng mabasa niya ang iniisip ko. "Mukhang naisahan ka ni utol, wala siyang ibabayad sa'yo, wala na kaming pera kaya nga ako pinakasal ni daddy kay Gretchen." At tumawa pa siya ng pakalakas-lakas. What the hell! Hindi ko alam kung ano ang mararamdam ko sa mga oras na 'to, at sa sobrang inis ko ay inilabas ko ang swiss army knife na lagi kong dala, dahil kung nagbibiro siya ay bawiin na niya ngayon lalo pa, at wala ako'ng sapat na tulog dahil napuyat ako sa pagpaplano kung paano ko siya maitatakas sa simbahan ng hindi nakikipangbuno sa isang katutak na security detail na nagbabantay. "Charlemagne, ano'ng ginagawa mo?" Ang sabi niya habang nakataas ang dalawang kamay niya, tanda ng pagsuko. Kung gaano katalim itong swiff knife na hawak ko, ay ganu'n din katalim ang ipinupukol 'kong tingin sa kanya sa mga oras na 'to! "Tawagan mo ang kapatid mo kung ayaw mong isa-isahin 'kong putulin ang mga daliri mo!" Ang pagbabanta ko sa kanya, at itinutok ko sa kanya ang maliit na patalim na hawak ko. Napaatras naman siya ng lakad sa ginawa ko, at nanatiling nakataas ang dalawang kamay niya. "If I were you, I wouldn't do that, nakalimutan mo na ba kung pano ka paligayahin ng mga daliring to!" Ang sabi pa niya hanggang sa mapasandal na siya sa may wall. Muli na naman ako'ng nagpakawala ng pekeng tawa sa mga sinasabi niya. Ibalik ba talaga ang nakaraan. Talagang nag-reminisce pa siya sa mga ginagawa namin noon lalo lang talaga niya ko iniinis, dahil pinapaalala na lang naman niya ang pinakamalaking pagkakamali na aking nagawa sa tanang buhay ko. Ang ibigay sa kanya ang pinaka-iingatan kong pàgkàbabae pero matagal na 'yun, malamang talagang nakalimutan ko na. Bakit ba ko magpapakahirap na gamitan siya maliit na patalim eh kung may baril naman pala ako. Itinago ko sa bulsa ko ang swiss army knife ko, at dinukot ko ang baril na nakasuksok sa may tagiliran ko, pero may dinukot din siya sa may bandang likuran niya, at sa isang iglap ay pareho na kaming may hawak na baril na itinutok namin sa isa't-isa. "I want my money. Nagawa ko ang plano. Naitakas kita sa simbahan, at may free staycation ka pa dito sa secret cabin." Ang paangil kong sabi ko sa kanya. Nakakaputang-ina naman kasi kung talaga ang pangyayaring ito kung totoo ang sinasabi niya. "Don't worry. I can pay you." Ang sabi pa niya sa matigas na boses. "Pinagloloko mo ba ko, ang sabi mo kanina wala na kayong pera, tapos ngayon naman sasabihin mo babayaran mo ko. Ano ba talaga?" Ang sagot ko naman sa kanya. Ibinaba naman niya ang baril na itinutok niya sa akin, wala pa siya eh tutukan pa ko, hindi rin naman pala ako'ng kayang tuluyan. "Sabi mo gusto mo ng pera. Oh eh di gagawan natin ng paraan but for now let me taste those lips." He said in a cold, dark tone sabay binitawan niya ang baril niyang hawak, ipinatong niya sa may lamesa bago lumapit siya sa akin. Hindi ko naman napaghandaan ang paglapit niyang 'yon dahil sa isang iglap naibaba, at nakuha niya ang baril mula sa kamay ko. Fùck! Sa bilis ng pangyayari ay pakiramdam ko ay na-hypnotize niya ko dahil hindi ako nakagalaw o nakapalag man lang. Just like the old times. Napatulala na lang ako, at hinayaan ko lang siyang gawin ang ginagawa niya sa akin ngayon. Niyapos niya ang magkabilang bewang ko, binuhat niya ko, at naramdaman ko na lang na naisandal na pala niya ko sa wall, and he kisses me. Fùck! Sobrang init ng pakiramdam ko. It feels like something awaken inside me na matagal ko ng hindi nararamdaman. Ang init ng balat ko, at ganu'n din ang kanya. Damang dama ko ang init ng labi niya, and then I lost control on myself because I kissed him back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD