5. Secret Cabin

1230 Words
Christian James POV Agad ako'ng tumayo at sinundan si Charlie, tinanong ko pa siya kung saan kami dadaan because there is no way makakalabas kami dito ng hindi kami nahuhuli sa higpit ng seguridad. Ang sabi niya basta daw sumunod ako sa kanya hanggang sa pumasok kami sa isang kwarto at may inusog siyang cabinet, at meron palang secret doon. Pinauna niya kong papasukin, dahil muli niyang inusog ang cabinet bago isara ang secret door, at ng pagharap niya ay hindi ko na napigilan pa ang aking sarili at agad kong inilapat ang labi niya sa labi ko pero agad niya kong tinulak, minura at sinimulan na niya ulit ang pagtakbo na sinundan ko naman. Nagdahilan na lamang ako nagpapasalamat ako sa kanya pero ang totoo ay masayang masaya ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Tinanggap ko na ang magiging kapalaran ko pero since dumating siya, and she snatch me up bago pa man magsimula ang seremonya ng kasal ay everything is changed. I'm willing to risk everything, at susunod ako sa kanya kung saan man niya ko dadalhin. Mukhang pinaghandaan niya ito dahil may mga sinusundan kaming mga glow stick na nagsilbing liwanag sa secret tunnel na dinadaanan namin. Nakakamangha lang kung paano niya nalaman ang lugar na ito. Limang taon kaming hindi nagkita habang ako naman ay halos hindi na umalis sa lugar na ito ay hindi ko alam ang tungkol dito. Hanggang sa may bakal na hagdanan kaming inakyatan at ang nilabasan namin ay medyo malayo na ng konti sa simbahan pero tanaw pa din naman mula dito. Nasa may b****a kami ng kagubatan ng San Vicente. Ang kagubatan kung saan takot pumasok ang mga taong taga rito. Ewan kung saan nagsimula ang kwento tungkol sa sabi-sabi na hindi na daw nakakalabas ang sino mang pumapasok pero halos lahat talaga ng mga tao dito ay naniniwala maliban na lamang kay Charlie, at sa yumao niyang ama. Panay nga ang punta nila mag-ama diyan, at kahit naging girlfriend ko na siya noon ay hindi niya ko isinasama, dahil bonding daw nila magtatay ang pagne-nature tripping, at since nakakalabas-masok ang mag-ama sa kagubatang yan ay na-tsismis pa sila ng mga tao na may sinasamba silang engkanto kaso wala lang maglakas loob na kalabanin ang tatay ni Charlie dahil kilalang matapang, at astig nu'n nung nabubuhay pa ito. Inabutan naman ako ni Charlie ng mineral water, at nakita ko na meron din siyang hawak. Halos sabay namin tinungga ang mga bote ng mineral water na hawak namin, at pareho namin naubos gawa siguro na sobrang nainitan kami sa loob ng tunnel. Ang lagkit na nga ng pakiramdam ko, naka-suit pa naman ako. After kong uminom ng tubig ay tinanong ko sa kanya kung ano ang plano. Nalakalabas, at nakalayo na kami sa simabahan pero mas malaking problema naman ang kakaharapin namin dahil paniguradong tutugisin na kami ngayon. "Bakit ba ang dami mong tanong sumunod ka na lang sa akin." At tinalikuran na niya ako, at naglakad siya papunta sa may kagubatan. Sinundan ko siya hanggang sa katabi ko na siyang naglalakad. "Nagtatanong lang naman ako, finally isasama mo na ko sa camping, dadalhin mo na ba ko sa secret place ni tatay." Tumigil naman siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Humarap siya sa akin, at tinignan ako masama. "Ayoko sa lahat ay ang maingay lalo pa't I'm on the job." Ang masungit niyang sagot sa akin, at muli na siyang naglakad habang ako naman ay nanatiling nakatayo. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. I'm just trying to start a conversation para hindi naman boring ang paglalakad namin. Nagsimula na ulit ako maglakad para sundan siya, at magsasalita pa sana ako kaso hindi natuloy dahil nakadinig ako ng putok ng baril, at sabay kaming napalingon ni Charlie sa aming likuran. "Fùck!" Napamura ako, dahil ang bilis ng mga security, nalamaan agad nila kung nasaan kami, at ng paglingon ko naman ay napamura na naman ako dahil nagsimula na naman tumakbo si Charlie na para bang iiwan ako kaya tumakbo na naman ako para sundan siya hanggang sa medyo naabutan ko na siya. "Are you kidding me? Pagkatapos mo kong itakas sa simbahan ay iiwan mo ko." Ang sabi ko sa kanya habang patuloy kami sa patakbo. Ang daming matatas na puno ang aming nadadaanan. "At sino naman ang may sabi sa'yong iiwan kita, 'di ba ang sabi ko sa'yo ay sumunod ka sa akin. Huwag ka kasing babagal-bagal para hindi ka maiwan." Ang sagot naman niya sa akin hanggang sa ilang saglit pa ay tumigil na siya sa pagkatakbo kaya tumigil na din ako. Inalis niya saglit ang backpack niya sa may likod niya, binuksan niya ang zipper sa may gilid at may kinuha siya. A flashlight. Padilim na pala. Isinara niya ang zipper sa bag, at muling isinukbit sa kanyang likuran ang bag. "Pano yan mukhang susunod sila rito." Ang sabi ko sa kanya. Umiling-iling naman siya bago niya ko sagutin. "Sa tingin ko ay hindi, dahil nakita ko ang ang itsura nilang tatlo, at parang nag-aalangan ihakbang ang kanilang mga paa bago ako tumalikod at tumakbo." Ang sagot naman niya sa akin. "Ganu'n, eh bakit tumakbo ba tayo?" Ang sagot ko naman sa kanya. "Just in case lang na sumunod sila, para mas safe tayo at tsaka okay na din na tumakbo tayo dahil padilim na rin naman para mas mabilis tayong makarating sa secret cabin namin ni tatay, and I hope na secret pa din siya, at wala pa din ibang nakakatuklas dahil wala na kong time i-check pa 'yun. Malalaman natin mamaya kapag nakarating na tayo." At ini-on na niya ang flash light, at naglakad na kami. Hindi na kami natakbo pero mabilis pa din ang lakad namin. "Wow, may secret cabin kayo ng tatay mo sa gitna ng kagubatan? Bakit hindi mo yan sinabi sa'kin noon." Ang tanong ko sa kanya. "Pano pang magiging secret kung sasabihin ko sa'yo." Ang sagot ko naman sa kanya. Oo nga naman may point siya, sa isip isip ko. Tuluyan ng nagdilim ang buong paligid. Ipinagpatuloy namin ang paglalakad hanggang sa tumigil kami dahil may dalawang trail, at lumapit siya isang puno at itinutok ang flashlight doon. Unti unti niyang ibinababa ang flashlight na parang may hinahanap siya, lumapit din ako sa kanya ng husto para tignan kung ano ba ang hinahanap niya hanggang sa natapat ang liwanag sa bahagi ng puno kung saan may makikitang ukit na sa letrang L sa malaking titik. Umalis na siya sa may puno, at sinundan ko na naman siya, 'yun ang sabi niya sa akin kanina eh. Muli kaming humarap sa dalawang trail at pinili niya ang kaliwang daan, at nagsimula na naman kaming maglakad. Sa tantiya ko ay inabot pa ata kami ng dalawang oras sa paglalakad bago kami nakarating sa sinasabi niyang secret cabin. Hindi naman ako makapaniwala sa nakikita ko. Is she fùcking kidding me? Akala ko naman cabin na sinasabi niya ay yung simpleng barong barong na kubo lang, at nasa gitna nga ng kagubatan pero hindi, dahil mukhang bahay na talaga ang secret cabin na sinasabi ni Charlie. Although made of wood pero malaki, malawak at may terrace pa. Mukhang pwedeng tirahan ng matagal. All this time, ganito pala kaganda, at kalaki ang cabin na tinutuluyan nilang mag-tatay everytime na magne-nature tripping sila samantalang nag-aalala pa ko noon na baka kagatin siya ng lamok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD