CHRISTIAN
Ilan months na magmula ng mangyari iyon. Tanda ko lahat na walang nanyari samin ni anna.
Ilan months ko na din sinusubukan na tawagan si dalhia pero hindi niya ako sinasagot.
Pumupunta ako sa labas ng bahay nila na nagbabakasakali na lalabas siya pero wala ee, hindi siya lumabas.
Ang lumabas lang ay si tita abigail. Siya lang ang nakausap ko.
"Pasensiya ka na christian, hindi na kasi lumalabas ang anak ko. Hindi pa siya lumalabas magmula ng malaman niya na ang nangyari sainyo ay pakana ng daddy niya." Kwento ni tita.
Pakana ni tito denver? pero bakit?
"Paano tita? Paanong naging pakana ni tito?" Nagtatakang pero gulat na tanong ko.
"Gusto lang kasing malaman ni denver kung mahal mo talaga si dalhia kaya niya iyon ginawa. Sumakto naman yata na nadatnan kayo ni dalhia na ganon."
Umiling ako. "Tita. I swear walang nangyari samin ni anna, kahit lasing ako alam ko kung anong nangyayari sa paligid ko." Pagpapaliwanag ko.
"I know that christian, pero wala tayong magagawa. Nakita kayo ni dalhia na ganon. Hayaan mo muna na humupa ang galit ni dalhia, kahit sa daddy niya galit siya. Nagawa niya din murahin si denver."
"Osige tita, salamat. Babalik ako ulit." Sabi ko bago ako umalis.
I miss you already loves
DALHIA
Napatingin ako sa hawak kong blade. Wala na din naman saysay yung buhay ko dito sa mundo.
"Hanggang dito na lang siguro." Sabi ko sa sarili ko.
Pagod na ako sa mga nangyayari sakin, gusto ko ng mawala dito. Ayoko na.
Nilapit ko yung blade malapit sa pulsuhan ko. Dahan-dahan kong sinugatan ang sarili ko hanggang sa lumalim yung sugat.
Napakagat labi na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. Unti-unting lumabas yung dugo hanggang mabitawan ko yung blade.
Napaupo ako sa sahig. Napapikit ako dahil sa nararamdaman ko na nahihilo ako. Alam ko na unti-unti na din namumulta yung labi ko.
Napamulat ako pero blared ang nakikita ko. Huling nakita ko na lang ay ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ko bago ako mawalan ng ulirat.
3rd Person's POV
May dalang pagkain si abigail para sa anak nito.
Nakangiti ito paakyat, pagkarating sa harapan ng pintuan. Binuksan ni abigail yung pintuan ng bigla itong nanlamig at nabitawan ang hawak nitong pagkain.
Nangingilid ang luha nito ni abigail na lumapit sa anak niya na walang malay at dumurugo ang kanang kamay nito.
Niyakap ni abigail ang walang malay na anak at napahagulgol ito.
"Denver!" Sigaw na sabi ni abigail.
Ilan ulit na pagsigaw ang ginawa ni abigail bago dumating si denver na tila nakakatakbo lang nito.
"What happen?" Nag-aalalang tanong ni denver hanggang mapansin ni denver ang kamay ni dalhia.
"P-princess." Tawag nito at dali-daling binuhat at nagmamadaling bumaba habang buhat si dalhia.
Isinakay ni denver si dalhia kasunod ni abigail, umikot si denver sa driver seat at mabilis nagmaneho papuntang hospital.
Ilan minuto lang ay nakarating sila sa hospital at binuhat ulit si dalhia at ihiniga sa stretcher.
Inasikaso kaagad ng mga nurse ni dalhia at lumapit ang doctor sa parents ni dalhia.
"Kailangan matahi ang sugat ng patiente, masyadong lalalim ang sugat nito at madami din nawalan ng dugo sa anak niyo kaya kailangan din masalinan ng dugo. Buti ay naidala niyo kaagad siya dito." Sabi ng doctor.
"Please, gawin niyo lahat para sa anak ko." Umiiyak na sabi ni abigail.
"Gagawin namin lahat, sige, maiwan ko na muna kayo." Pagpaaalam ng doctor bago umalis.
Umiiyak lang si abigail habang nakahawak si denver sa balikat ni abigail.
"Shhh. Stop crying wife." Pagpapatahan na sabi ni denver.
Tumingin si abigail sa asawa siya. "Please, call christian. Now." Pautos na sabi ni abigail.
"No."
"Please. Kailangan ni dalhia si christian, kahit ngayon lang makinig ka naman. Ayokong pagtalunan ito dahil napapagod na din ako, baka hindi ko mapigilan at maiwan na kita." Seryosong sabi ni abigail.
Biglang nag-iba ang expression ng mukha ni denver dahil sa sinabi ng asawa nito. "Don't do that my wife, we promise na hindi mo ako iiwan." Sabi ni denver.
"Alam ko, nakakapagod na kasi, lagi na lang tayong nag-aaway. Ganyan ka pa sa anak natin. Maawa ka naman. Matanda na ang anak natin para ganyanin niyo pa."
Huminga ng malalim si denver dahil doon. "I'm sorry for that, alam ko naging mahigpit ako para kay dalhia pero kaya ko lang ginagawa iyon para hindi masaktan ang anak natin." Pagdadahilan ni denver.
"Anong nangyari? Nadepress na naman ang anak natin. Bumalik na naman. Ayokong ulit na mapahamak ang anak natin tulad noon pero naulit na naman." Umiiyak na sabi ni abigail.
Lumapit si denver kay abigail at niyakap siya nito. "I'm sorry my wife. Promise babawi ako sa anak natin, hahayaan ko na sina christian." Sabi nito.
Humiwalay ng yakap si abigail. "Magpasorry ka din sa anak mo. Tawagan mo na si christian."
Tumango si denver at inilabas ang cellphone nito saka tinawagan ang numero ni christian.
Ilan ring lang ay nagsalita na ito.
"Hello tito?"
Huminga ng malalim si denver bago nagsalita. "Pumunta ka dito sa DL Hospital." Sabi nito.
"May nangyari po ba?"
"My daughter need you a lot christian." Sabi nito bago ibinaba ang tawag.